Tuesday, October 07, 2008

Paano Kung Lalaki Ka Pero Ang Celebrity Look-A-Like Mo Eh Si Fiona Apple?

ROTFLMAO!!!
Hindi ko alam kung sino 'to. At sana eh hindi mapikon dahil ginamit ko nang walang paalam 'yung resulta ng Celebrity Look-A-Like chorva n'ya.

Hindi ko rin alam kung bakit supposedly eh nakakatawa 'to. Nangako naman si Dindo na someday eh madi-discover din kung bakit humahagalpak ako ng tawa sa mga bagay na hindi naman nakakatawa.

Basta ang masasabi ko lang kinabog ako at napa-cartwheel dito sa picture na 'to. Siguro ang happy nung nag-upload ng picture kasi nakita n'yang lumabas na kamukha n'ya eh si Gabriel Byrne. Tapos Elliott Gould. Then Angelina Jolie. Teka.. teka... [pero by this time ini-ignore na ng pc n'ya yung pagpindot n'ya sa cancel button.]

At walang kaabug-abog. biglang lumabas na kamukha rin n'ya... si Fiona Apple [na mukhang pagod dahil galing sa paglalaba at masama ang loob].

Nyahahaha! Ang saya-saya 'no?!
.

No comments:

Post a Comment