Saturday, September 26, 2009

Katursi

Repost from Gelli's FB.


Aling Dionisia Pacquiao sizzles in *Katursi.* Brought to you by Magnulia Melk.

R.O.T.F.L.M.A.O.
.

Ang Ma-Stranded Kasama Ng Isang Tutubi


Dahil sa lakas ng hagupit ng bagyong Ondoy, stranded ako sa bahay.

Maginaw, tahimik at madilim.

Pero okay lang. 'Di naman ako nag-iisa.

Kanina, pagsilip ko sa labas ng bintana, may nakita akong isang tutubi na nakakapit sa dingding. Basang-basa. Binuksan ko 'yun bintana para makapasok s'ya. Para 'di na s'ya mabasa. Pero tumingin lang s'ya sa 'kin. Napansin siguro n'yang nakatingin kasi ako sa kanya. Kaya nagtinginan na lang kami.

Bihirang-bihira na lang akong makakita ng tutubi. Nu'ng maliit pa 'ko, lagi kaming nanghuhuli ng tutubi ng mga kalaro ko. Iba't ibang klase. 'Yung tutubing karayom ay madaling mamatay. Kung 'di maingat ang paghuli at paghawak, mapuputol 'yung katawan. 'Yung regular sized na kulay berde ay common. At 'yung kulay asul ay rare.

'Pag takipsilim, naglalabasan 'yung kulay maroon ng luminous at mas malaki nang konti sa regular sized na berde at asul na tutubi. 'Pag naglalabasan sila, kumpul-kumpol. Marami. Parang ulap sa kalsada. Mababa at mabagal ang lipad, pero mahirap hulihin.

At ang pinakamalaking tutubi ay yung tutubing kalabaw. Kulay berde. Rare at mahirap hulihin.

Noong maliit pa 'ko, lagi kaming nanghuhuli ng mga tutubi ng mga kalaro ko. Paramihan. Nilalagay namin sa bote. Inaalog para makita kung nahihilo rin ba sila. Ginugupitan ng pakpak para malaman kung makakalipad pa rin kahit putot na. Inoopera para makita kung ano ang meron sa katawan nila na hugis helicopter.

Marami akong nahuling tutubi. Kami ng mga kalaro ko.

Ngayon bihira na 'kong makakita ng tutubi. Nakahanap na siguro sila ng pagtataguan. O baka naubos na namin sila.

Kahapon pa malakas ang hagupit ng bagyong Ondoy. Stranded tuloy ako sa bahay ngayon. Malamig, tahimik at madilim. Pero okay lang kahit nag-iisa lang ako. Dahil hindi naman talaga ako nag-iisa. Dalawa kaming nag-iisa. Kami nu'ng tutubi.
.

Friday, September 18, 2009

Inx's Birthday

Lunch with Inx's for his birthday. And coffee with Gerry afterwards.

After we finished our undergrad, we saw less and less of each other. Like, once a year, or once every 2 years.

Greenbelt 3, Makati
18 September 2009

Lunch with Inx's. I was so good at playing innocent na birthday n'ya that he eventually had to tell/remind me *birthday ko ngayon!*

Nyaha!

[Burp! Salamat sa lunch.]

Coffee, and yosi, afterwards.

- Gerry, busy ka? Punta ka rito.
- Kakatapos lang meeting. Dami ko pang ginagawa e.
- Birthday ni Inx's.
- [beat]
- Intayin n'yo 'ko.

Picture-picture!-- Xe, Gerry, and Pisngi ni Inx's [yes, kasama sa billing 'yun].

Pero ito talaga ang normal na mukha ni Birthday Boy 'pag nawawala sa isip n'ya na Birthday Boy nga pala s'ya.

Happy Birthday, Inx's :D
.

Wednesday, September 16, 2009

Bush & Blair Hit The Disco

A video on YouTube that I saw years ago. Really funny. Some people have too much time on their hands.


.

Monday, September 14, 2009

Happy 4th Birthday to Sam!

Samantha Kyle, the only girl among the five great grand children, turns four today.
Manaoag trip, January 2008. Samantha was only 2 years and 4 months old.

Four generations of women in the family, all panganays [except for Sam who's bunso, but since she's an only girl that counts, too]-- Ina, Ate Dinah, Bethel, and Sam.
.

Saturday, September 12, 2009

Night Out with SB Friends / Neighbors

Rare night out with SB friends / neighbors. Last time I went out with them was in 2008, before Sausage Bar closed down, and re-opened, and... Ewan lang kung bukas pa rin until now.

Treehouse - Matalino
09 September 2009
Vina and Raf hamming it up for the camera

That's me, Vina, Raf, Beng... and Beng's back

Attorney Jun and Beng

Vina... and sorry. Kasama pala dapat si Raf sa pic. Ahihi!

Finally, nakasama rin ako sa picture.

The Beng and I. Nyahaha! Gosh, I'm so funny. Syet.

Fine. Sige, kayong tatlo na lang lagi. Next time, 'di na 'ko magdadala ng camera.

Isa pa, with Raf.

At syempre, 'di pwedeng mawala ang solo shot ni Sir Jules.
.

Monday, September 07, 2009

Bakit Ba Kasi Hindi Marunong Huminga Sa Ilalim Ng Tubig Ang Mga Pilipino?

Kung ang mga Pilipino ay ipinanganak na may hasang at palikpik, at nakakahinga sa ilalim ng tubig, e 'di sana wala tayong problema. E 'di sana walang nalulunod at namamatay tuwing tatagilid ang mga ferry at mga barko kapag umaambon at umaalon ang dagat.

E 'di sana hindi namatay 'yung higit 6,000 na tao sa sampung pinakamalalang aksidente sa dagat simula sa MV Dona Paz nu'ng 1987(1). E 'di sana hindi tayo nag-aalala na sa halos buwan-buwang paglubog ng mga barko ay may nadadamay tayong mga kamag-anak.

Siguradong dagdag na naman 'to sa sakit ng ulo ni Gloria. Kawawa naman. Hindi pa nga n'ya nalulusutan 'yung P1M dinner n'ya sa Le Cirque - NY, at dumating pa 'yung paglabas ng higit $1M halaga ng bahay nu'ng anaka nya sa US. Tapos sumabay pa 'tong paglubog ng SuperFerry 9. Kaya naman pala nagnanaknak 'yung silicon sa boobs n'ya e.

Kung tutuusin, hindi naman kasi talaga tayo kasama sa mga iniintindi n'ya. Boto at buwis lang naman ang katumbas natin. Para sa kanya, at sa mga tulad n'ya, wala tayong mukha at pangalan. Kung 'yun ngang mga state witness sa mga kontrobersyal na kasong tinututukan ng media, naipapaligpit nang wala-wala lang, tayo pang mga ordinaryong mortal lang?

Pero may pag-asa pa naman. Sabi nga ni Darwin, patuloy naman ang pag-aadapt ng species sa environment. Kung ganito nang ganito ang nangyayari sa atin, hindi na natin kakailanganing maghintay ng ilampung generation para tayo mag-evolve. Baka nga next year lang ipanganak na 'yung New & Improved Pinoy-- nakakahinga sa ilaim ng dagat para kahit ilang beses tumaob ang mga barko, okay lang; pagkapanganak pa lang e alam na ang Theory of Relativity ni Einstein para kahit palpak ang sistema ng edukasyon at kinukurakot ang budget para doon e okay lang; marunong kumain ng bala para kahit ipa-salvage ng mga pulitiko dahil may in-expose o magiging witness e okay lang.

At higit sa lahat, may telekinetic power para tuwing mapipikon sila kay Gloria, at 'di sila makalapit dahil sa damng bantay e makakaganti pa rin sila-- kapag pumutok ang balita tungkol sa pagsusulong nito sa ChaCha, matatampal nila sa pisngi kahit malayuan, o kapag 'di pa rin umalis sa pwesto sa 2010, pwede nilang kurutin sa singit, o kapag 'di n'ya binawi ang National Artist Awards kina Carlo Caparas at Cecile Alvarez e masasabunutan nila ang buhok n'ya sa nunal.

----------
1. "List of Deadliest Ferry Accidents in RP," Philippine Daily Inquirer. 07 September 2009.

--
Sent from my mobile device

Sunday, September 06, 2009

Masaker Ng Mga Kababaihan sa TV Show Na *Supernatural*

* SPOILERS *
Habang nakakulong ako sa bahay dahil sa lakas ng ulan, muli kong pinanood 'yung Season 4 Finale ng Supernatural na *Lucifer Rising.*

Ang partikular na episode na ito ay ang kulminasyon ng tuluy-tuloy na pagsira ni Lilith (na ayon sa palabas na ito, ay ang unang *demon*) sa 66 seals na magpapalaya kay Lucifer, at magpapasimula ng Apocalypse. 'Di gaya ng mga naunang season at episode, wala nang masyadong aksyon at humor dito. Puro pagpapaliwanag at diskurso na lang-- na pawns lang pala ang magkapatid na Sam at Dean Winchester sa cosmic battle sa pagitan ng Langit at Impyerno, ng mga anghel at mga demonyo; kaya pala patuloy na nasisira ni Lilith ang mga seal ay dahil 'di naman talaga s'ya pinipigilan ng mga anghel, dahil gusto na rin nilang matupad ang Book of Revelations; na pre-ordained ang magiging papel ng magkapatid a Sam at Dean dito; na *God has already left the building*; at, si Lilith, bilang unang demon, ay ang huling seal para tuluyang makawala sa bottomless pit si Lucifer.

Maraming magaganda at interesting na isyu ang tinalakay ang episode na 'to. Tinatahi na rito ang mga loose end, at sinasagot ang mga tanong na naiwang nakabitin sa mga nakaraang installment. Nagbigay rin ito ng sariling interpretasyon-- kahit 'di naman bago lahat ng mga ideya-- tungkol sa Apocalyse, pre-destiny, at existence at / o partisipasyon ng Diyos sa lahat ng mga pangyayari.

Pero ang napansin ko sa panonood ko kanina sa palabas na ito, at ito ngang episode na 'to, ay ang depiksyon at kinahinatnan ng mga karakter-- partikular ang pagkakaiba ng kapalaran ng mga lalaki atbabae.

Ang mga karakter--

SAM - isa sa dalawang bida, kapatid ni Dean. S'ya pala ang nakatalagang magpalaya kay Lucifer, at lahat ng mga pangyayari sa buhay n'ya-- pati ang pagrerebelde sa buhay ng isang *Demon Hunter* ay kasama sa plano sa kanya. Siya ang makakapatay kay Lilith (o sa babaeng sinapian ng espritu ni Lilith) sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang isip. Pero bago 'yun, papatayin muna n'ya ang isa pang demon (o ang babaeng doktor na sinapian nu'n) para inumin ang dugo upang magkaroon s'ya ng sapat na lakas para patayin si Lilith.

DEAN - kuya ni Sam, ang isa pa sa dalawang bida. S'ya naman ang *Chosen One* sa panig ng *mabubuti.* Sa simula pa lang ay ayaw na n'ya kay Ruby dahil ang tingin n'ya rito ay masamang impluwensya sa kanyang kapatid, masama at may hidden agenda tuwing tutulungan sila. Sa bandang huli, matapos nilang malaman ni Sam ang totoong motibasyon ni Ruby, s'ya mismo ang papatay rito (o sa babaeng sinapian ngespiritu niya) sa pagitan ng pagsaksak.

PARI - sa kanya magsisimula ang episode, kung paanong sinapian s'ya ng isang demon, at kung paano n'ya minasaker ang mga madre habang nagmimisa bilang alay sa kanyang *father* na si Lucifer.

LUCIFER - hindi makikita si Lucifer sa buong episode, pero ang lahat ng mga pangyayari ay upang mapalaya / mapanatili s'ya sa kanyang kulungan. Ang gender assigment na ibinigay sa kanya ay lalaki dahil *father* ang tawag sa kanya, at *he* ang pronoun na ipinantutukoy sa kanya. Mapapansing s'ya ang dahilan ng pagkamatay at pagpatay sa mga kababaihan, directly (daya ng mga madreng minasaker) at indirectly (Lilith, Ruby, at babaeng doktor).

LILITH - sa realidad ng palabas na ito, si Lilith ang unang demon na ginawa ni Lucifer kaya s'ya ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga kauri n'ya. S'ya ang magsasabog ng lagim para sirain ang 66 seals na magpapalaya sa creator n'ya. Ang paghahanap at pagpatay sa kanya ang story arc ng buong Season 4. At sa dulo, kailangan s'yang patayin sa pulpit-- bilang ika-66 na seal-- para magsimula ang Apocalyse.

RUBY - dating witch na naging demon nu'ng mamatay. Tumakas mula sa impyerno para tulungan ang magkapatid na Sam at Dean. Sa episode na 'to malalaman ang totoong motibasyon n'ya-- pinag-aaway n'ya ang magkapatid para madali n'ya maimanipula si Sam, ipapapatay n'ya rito si Lilith para mapalaya si Lucifer, at upang maging paborable s'ya sa paningin nito. Nang mapatunayang tama ang hinala sa kanya ni Dean, kamatayan ang magiging kaparusahan n'ya.

BABAENG DOKTOR - *Lilith's Chef* ang tawag sa kanya, at specialty n'ya ang mga sanggol na bagong panganak. Ito-torture s'ya ni Sam para ibigay n'ya ang impormasyon kung saan matatagpuan si Lilith. Aamin s'ya kapalit ng kamatayan. Pero matapos makuha ang kailangan sa kanya, 'di tutupad si Sam sa usapan. Bubuhayin muna s'ya nito ng ilang saglit bago inumin ang dugo para lalong lumakas.

MGA MADRE - papatayin sila nu'ng Pari na sinapian ng demon bilang alay kay Lucifer. 'Di nila maipagtatanggol ang kanilang mga sarili, bagkus,iiyak at sisigaw lamang sila habang kinakatay silang lahat.

May ilan pang mga karakter na interesting na pag-aralan. Ang dalawang archangel na tumutulong / nagmamanipula sa magkapatid ay sina CASTIEL at ZACHARIAH (hindi propeta si Zachariah rito kundi isang archangel o isa sa mga military general ng langit). Kung papansining mabuti, makikitang may role-playing sa kanilang dalawa-- *lalaki* si Zachariah dahil s'ya ang level-headed, nag-uutos, matalino at may paninidigan; samantalang *babae* si Castiel kaya s'ya ang kimi, sunud-sunuran,takot at pabagu-bago ng isip.

At mapapansin ang pattern ng *pagpatay sa mga babae* maski kay Castiel. Nu'ng tulungan ni Castiel si Dean na makatakas para pigilan si Sam, nagpaiwan si Castiel para harapin ang mga galit na galit na archangel. 'Di man ipinakita, alam na nating kung ano ang naging kapalaran n'ya sa kamay nina Zachariah.

Sa pagbabalik-tanaw, maaalalang ang pagpatay ng demon na si Allistair (lalaki) sa Nanay (babae) nina Sam at Dean ang nagpasimula ng kwento. At ang pagpatay ulit ni Allistair (lalaki) sa fiancee (babae) ni Samang magtutulak dito upang balikan ang pagiging demon hunter.

Naramdaman ko na noon pa na may mali sa palabas na ito pero ngayon ko lang napagtuunan talaga ng pansin kung ano 'yun: Misogynist angpalabas na ito.

Sa palabas na ito, kailangang patayin ang asawang babae at kasintahang babae para magkaroon ng motibasyon ang mga lalaking bida at tumakbo ang kwento, kailangang patayin ang mga madre para matuwa ang panginoong lalaki, kailangangang patayin at inumin ang dugo ng doktor na babae para lalong maging malakas ang lalaki, at kailangang patayin ang kaibigang babae dahil inuuto lang pala sila nito.

Pati ang lugar kung saan ginawa ang pangma-masaker sa mga kababaihan ay feminized-- St. Mary's Convent.

'Di ko alam kung ano ang malalim na pagkagalit ng taong gumawa, nagsulat at nag-direk sa Supernatural, at kung sinasadya nila ito okusa lang nagma-manifest 'yung nasa psyche nila.

Pero ang mas nakakaalarma ay ang pagiging subtle noon. Natutuwa tayo sa pinanonood natin pero 'di natin alam na may subtext na pala ng pagkamuhi sa mga kababaihan.
.
--
Sent from my mobile device

Saturday, September 05, 2009

Congratulations to Igine Jose, Finalist - 1st MTRCB TV Awards, Screenplay Category

Napadpad kami ni Libay kagabi sa Gateway para sa 1st MTRCB TV Awards. Inimbitahan kami ni Igine, senior student namin sa UPFI, dahil finalist s'ya sa screenplay category. Muntik na nga 'ata namin nadaig ang parents at lola n'ya sa pagiging excited at proud. Hehehe.

'Yung screenplay na sinabmit n'ya, *Exhibit*, ay 'yun ding sinulat n'ya para sa scriptwriting class dati. Nakakatuwa kasi 'di ko na-imagine na yung tema ng pelikula-- incest-- at ang MTRCB ay
maaaring pagsamahin sa iisang venue.

'Yung *Exhibit* kasi ay'tungkol sa isang batang lalaki na nagbibinata, at naka-develop ng romantic feelings para sa ate n'ya na isang painter. Ang maganda ru'n ay 'yung pagiging matapang pero hindi kontrobersyal, at malawak ang pagtingin at pag-aanalisa ng manunulat sa mga tao sa paligid n'ya at hindi nakukulong sa sariling kwento.

Isa pala 'to sa fringe benefits ng pagiging isang public school teacher-- 'pag nakikita mo 'yung estudyante na may sarili nang path na ginagawa para sa sarili n'ya.

Anyway, tama na ang senti. Congratulations, Igine!

* * *

Ilan pang obserbasyon sa mga pangyayari kagabi--
  • Nakakatuwang makita ang mga kaibigan at dating ka-trabaho. Nakakahawa 'yung saya nu'ng mga nanalo.
  • Congratulations sa mga dating kasamahan sa Sineskwela na hinirang na Best Educational Program. Until now humahataw pa rin.
  • Ibang level si Juday. Nagliliwanag ang buong stage tuwing hahagikgik s'ya. Lahat ng ibang presentors puro tensyonado. Sila lang 'ata ni Bitoy ang nag-dare na mag-enjoy.
  • 'Di masyadong magaling kumanta si Pooh. Pero sobra s'yang nakakatawa.
  • Sa opening na dance number ni Marian Rivera, parang wala naman s'yang ginawa. Buti na lang maganda talaga s'ya. 'Yun lang.
  • Nakakatakot si Ellen ng Ellen's Beauty Chorva.
--
Sent from my mobile device

Friday, September 04, 2009

Bilog Kasi Ang Buwan

Makakita lang ng taong may dalawang mata, ilong at bibig, mukha n'ya ang nasa isip mo. 'Wag 'di may magbanggit ng abakada, ibinubulong mo na ang pangalan n'ya. Makakita ka lang ng kubyertos, nag-aalala ka kung kumain na ba s'ya.

'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo. 'Wag mo nang isipin kung ano ang nangyari, ang nangyayari, at kung ano pa ang posibleng mangyari. Tigilan mo ang paghihimay-himay sa rason at sa emosyon. Baka wala naman talagang makikita sa loob nu'n. Baka wala du'n ang sagot.

Tama na ang pagdadahilan. Tama na rin ang pagbibigay-dahilan sa kanyang kakulangan, at sa sarili mong kalokohan. Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo.

Sabi nga sa 'yo, ang sugat, habang nagnanaknak masarap kamutin. Pero pagkatapos lalong tumitindi ang hapdi. Konting tiis na lang. Pasasaan ba't magiging peklat din 'yan. Peklat na magpapangiti sa 'yo tuwing maaalala mo 'yung panahon na akala mo e hindi 'yun gagaling.

Sa ngayon, 'wag mo nang sisihin ang sarili mo dahil sa 'yong kahibangan. Siguro isa kang dagat. Gustuhin mo man o hindi, kusang aapaw tuwing magbibilog ang buwan.

At seryoso, bilog nga talaga ang buwan.
.

Thursday, September 03, 2009

Masaya Ako

Masaya ako.
Masaya ako dahil nalulunod ako.
Nalulunod ako sa sarili ko.
Nalulunod ako sa sarili kong kababawan.
Sa sarili kong kababawan, nalulunod ako.
Sa sarili ko ako'y lunud na lunod.
Nalulunod ako kaya ako masaya.
At ako nga'y masaya.

--
Sent from my mobile device

Tuesday, September 01, 2009

At Biglang...

...September na agad. Walang kaabug-abog. Walang pasabi. Bigla na lang
paggising mo, September na. At alam na natin ang ibig sabihin nu'n--
ilang tulog na lang Pasko na.

Biglang may iba nang ibig sabihin ang malamig na hangin. 'Di na
simpleng, *may bagyo 'ata e.* 'Di na 'ko magugulat kung mamaya sa taxi
e bigla na ring patugtugin ang mga christmas carol. Biglang kailangan
nang mag-doble tipid. Hindi lang para sa taas-baba-taas na presyo ng
biliin, 'di lang para sa buwanang bills, 'di lang para makasabay ang
ipon sa walang tigil na inflation Kundi para na rin may maitabi para
sa Noche Buena. Para rin may maipambili ng regalo. Para may
maipamasko.

Tapos, 2010.

Buti na lang at may eleksyon sa May. Kahit paano mabi-break ang
monotony at nakakabagot ng siklo ng pagpapalit-palit ng mga araw,
linggo at buwan. Pero 'di rin naman natin alam kung may mababago nga
sa eleksyon, at pagkatapos nu'n.

Pero ganu'n pa rin. Biglang-bigla, paggising mo isang umaga, September na naman.

--
Sent from my mobile device