Wednesday, October 22, 2008

La Union Vacation: Parang Preview

Nitong nakaraang linggo, tumakas kami ng ilang mga kaibigan / katrabaho / kamanunulat / kaututang-dila sa ingay / usok / sikip ng Maynila. Bitbit ang kaunting bagahe, nilusob namin ang malalakas na alon ng La Union.

Lagi ko nang nadidinig na kailangan nating lahat ng break / pahinga / bakasyon. Pero sa dami ng dapat gawin, madalas 'tong nawawaglit sa isip. Kundi pa magkasakit / masiraan ng bait, hindi pa natin maiisipang mag-empake at hayaang umikot nang kusa ang mundo.

Sa awa ni Batman, hindi naman kailangang magkaroon ng emergency para kami magpahinga nang konti. At sa kabutihang-palad, nangitim naman kami sa pagbababad sa ilalim ng araw.

Nabanat ang mga kasukasuan. Nabusog ang mga mata. Nahimasmasan ang kaluluwa.

Heto na muna 'yung ilan sa mga [nakakainggit] na picture namin. Sa susunod na 'yung iba pa, 'pag naliitan ko na.
larawang kuha ni libay





larawang kuha ni jke

larawang kuha ni libay

NB: Ako ang kumuha ng mga larawan, maliban du'n sa mga may label.
.

No comments:

Post a Comment