Friday, October 10, 2008

Because They Can

Bakit pinalabas sa Desperate Housewives na hindi competent ang Filipino medical practitioners?

Bakit sinabi sa isang US sitcom noong late '90s [hindi ko na matandaan kung Seinfeld or Everybody Loves Raymond or Frasier] that for $20, an old American guy can buy a bride from the Philippines?

Bakit pinagmukhang katawa-tawa at parang mindless sex machines ang mga Filipina domestic helper sa Harry & Paul ng UK?

Because they can.

At patuloy nilang gagawin 'yun habang kaya nila.


At patuloy nilang kakayanin 'yun hangga't walang political willpower ang mga namumuno sa Pilipinas. Hangga't hindi nila pinuputol ang mga kataranduhan nila. Ang mga katiwalian nila. Ang pagiging gahaman. Ang kamangmangan sa pamamalakad. Ang apathy sa kahirapan ng mga taong dapat sana'y pinagsisilbihan nila.

Patuloy nila tayong dadautin hangga't si Gloria "Tae" Macapagal Arroyo ay walang ginawa kundi mag-grant ng presidential pardon [pardon?!] sa mga dating pangulo na kabi-kabila ang kabit at bilyun-bilyon ang tahasang ninakaw sa kaban ng bayan, sa mga pumapatay ng mga kabataan nang walang dahilan at walang kalaban-laban, at sa mga lider ng kulto na namumulutan ng utak ng tao.

Hangga't ang [mandarayang] pangulo ay patuloy na humihimod sa pwet ng mga dayuhan, patuloy rin tayong gagaguhin at tatratuhing tae ng buong mundo.

Hindi ito tungkol sa pagiging politically-correct. Usapin ito ng kapangyarihan. Parang panggagahasa.

Actually, ito ay panggagahasa.

At patuloy nila tayong ginagahasa... because they can.
.

No comments:

Post a Comment