Saturday, September 05, 2009

Congratulations to Igine Jose, Finalist - 1st MTRCB TV Awards, Screenplay Category

Napadpad kami ni Libay kagabi sa Gateway para sa 1st MTRCB TV Awards. Inimbitahan kami ni Igine, senior student namin sa UPFI, dahil finalist s'ya sa screenplay category. Muntik na nga 'ata namin nadaig ang parents at lola n'ya sa pagiging excited at proud. Hehehe.

'Yung screenplay na sinabmit n'ya, *Exhibit*, ay 'yun ding sinulat n'ya para sa scriptwriting class dati. Nakakatuwa kasi 'di ko na-imagine na yung tema ng pelikula-- incest-- at ang MTRCB ay
maaaring pagsamahin sa iisang venue.

'Yung *Exhibit* kasi ay'tungkol sa isang batang lalaki na nagbibinata, at naka-develop ng romantic feelings para sa ate n'ya na isang painter. Ang maganda ru'n ay 'yung pagiging matapang pero hindi kontrobersyal, at malawak ang pagtingin at pag-aanalisa ng manunulat sa mga tao sa paligid n'ya at hindi nakukulong sa sariling kwento.

Isa pala 'to sa fringe benefits ng pagiging isang public school teacher-- 'pag nakikita mo 'yung estudyante na may sarili nang path na ginagawa para sa sarili n'ya.

Anyway, tama na ang senti. Congratulations, Igine!

* * *

Ilan pang obserbasyon sa mga pangyayari kagabi--
  • Nakakatuwang makita ang mga kaibigan at dating ka-trabaho. Nakakahawa 'yung saya nu'ng mga nanalo.
  • Congratulations sa mga dating kasamahan sa Sineskwela na hinirang na Best Educational Program. Until now humahataw pa rin.
  • Ibang level si Juday. Nagliliwanag ang buong stage tuwing hahagikgik s'ya. Lahat ng ibang presentors puro tensyonado. Sila lang 'ata ni Bitoy ang nag-dare na mag-enjoy.
  • 'Di masyadong magaling kumanta si Pooh. Pero sobra s'yang nakakatawa.
  • Sa opening na dance number ni Marian Rivera, parang wala naman s'yang ginawa. Buti na lang maganda talaga s'ya. 'Yun lang.
  • Nakakatakot si Ellen ng Ellen's Beauty Chorva.
--
Sent from my mobile device

No comments:

Post a Comment