Monday, September 07, 2009

Bakit Ba Kasi Hindi Marunong Huminga Sa Ilalim Ng Tubig Ang Mga Pilipino?

Kung ang mga Pilipino ay ipinanganak na may hasang at palikpik, at nakakahinga sa ilalim ng tubig, e 'di sana wala tayong problema. E 'di sana walang nalulunod at namamatay tuwing tatagilid ang mga ferry at mga barko kapag umaambon at umaalon ang dagat.

E 'di sana hindi namatay 'yung higit 6,000 na tao sa sampung pinakamalalang aksidente sa dagat simula sa MV Dona Paz nu'ng 1987(1). E 'di sana hindi tayo nag-aalala na sa halos buwan-buwang paglubog ng mga barko ay may nadadamay tayong mga kamag-anak.

Siguradong dagdag na naman 'to sa sakit ng ulo ni Gloria. Kawawa naman. Hindi pa nga n'ya nalulusutan 'yung P1M dinner n'ya sa Le Cirque - NY, at dumating pa 'yung paglabas ng higit $1M halaga ng bahay nu'ng anaka nya sa US. Tapos sumabay pa 'tong paglubog ng SuperFerry 9. Kaya naman pala nagnanaknak 'yung silicon sa boobs n'ya e.

Kung tutuusin, hindi naman kasi talaga tayo kasama sa mga iniintindi n'ya. Boto at buwis lang naman ang katumbas natin. Para sa kanya, at sa mga tulad n'ya, wala tayong mukha at pangalan. Kung 'yun ngang mga state witness sa mga kontrobersyal na kasong tinututukan ng media, naipapaligpit nang wala-wala lang, tayo pang mga ordinaryong mortal lang?

Pero may pag-asa pa naman. Sabi nga ni Darwin, patuloy naman ang pag-aadapt ng species sa environment. Kung ganito nang ganito ang nangyayari sa atin, hindi na natin kakailanganing maghintay ng ilampung generation para tayo mag-evolve. Baka nga next year lang ipanganak na 'yung New & Improved Pinoy-- nakakahinga sa ilaim ng dagat para kahit ilang beses tumaob ang mga barko, okay lang; pagkapanganak pa lang e alam na ang Theory of Relativity ni Einstein para kahit palpak ang sistema ng edukasyon at kinukurakot ang budget para doon e okay lang; marunong kumain ng bala para kahit ipa-salvage ng mga pulitiko dahil may in-expose o magiging witness e okay lang.

At higit sa lahat, may telekinetic power para tuwing mapipikon sila kay Gloria, at 'di sila makalapit dahil sa damng bantay e makakaganti pa rin sila-- kapag pumutok ang balita tungkol sa pagsusulong nito sa ChaCha, matatampal nila sa pisngi kahit malayuan, o kapag 'di pa rin umalis sa pwesto sa 2010, pwede nilang kurutin sa singit, o kapag 'di n'ya binawi ang National Artist Awards kina Carlo Caparas at Cecile Alvarez e masasabunutan nila ang buhok n'ya sa nunal.

----------
1. "List of Deadliest Ferry Accidents in RP," Philippine Daily Inquirer. 07 September 2009.

--
Sent from my mobile device

No comments:

Post a Comment