Showing posts with label paruparo. Show all posts
Showing posts with label paruparo. Show all posts

Monday, November 10, 2008

Kung Paanong Lalong Pinagulo Ng Mga Baraha 'Yung Magulo Na Talaga

Biglang bumuhos ang ulan. Buhos talaga. Hindi patak. Buhos. Parang bomba ng bumbero. 'Yung tunog ay parang mga sasakyan na tumatakbo nang mabilis at sabay-sabay.

Buhos. Hindi patak.

. o O o .

Parang gusto kong maiyak. Hindi UMiyak. Kundi MAiyak. Hindi dahil trip ko o dahil nararamdaman ko. Pero parang kailangan ko. Ang problema, wala akong mapaghugutan.

Nalulungkot ako. Hindi dahil mayroong bagay na dapat kong ikalungkot. Actually, wala lang talagang anumang bagay na dapat ikasaya.

Kung ipagpipilitan ko talaga, ia-apply ko rito 'yung Theory of Reciprocity. Ibig sabihin, one won't exist without the other. Ergo, kung walang lungkot at iyak, wala ring saya at tawa. Baka mas 'yun ang pino-problema ko.

Ewan ko. Naguguluhan na 'ko sa sarili kong pretensyon. Baka bigla akong maiyak at matawa nang sabay dito.

. o O o .

Sabi, patience is a virtue. Naisip ko, paano 'yan? wala akong patience. Ibig kayang sabihin nu'n eh hindi ako virtuous? Meaning, immoral ako at hindi... chaste?

Uhm... Ewan. Ito 'yung mga isyu na ayokong ina-address.

I-imagine-in ko na lang ang nunal ni GMA. Harrrrooooarrrrr!

. o O o .

Naging supernova na 'yung mga star, at nag-lunar eclipse na agad. Kainis. Two weeks lang halos.

Lumipad at lumanding sa harapan 'yung reality. Nadaganan 'yung mga butterfly. Pisat. Tumalsik 'yung kulay green and white na laman-loob. Tapos binuhusan ng gasolina, tsaka hinagisan ng posporo. At nu'ng abo na, binagsakan ng atomic bomb. Tapos, ng nuclear warhead. Good luck.

. o O o .

I hope this doesn't make me a bad person. I'm trying to earn pogi points sa universe.

. o O o .

Anyway, ang mga tao daw, 'pag naguguluhan at mayroong hindi naiintindihan, at walang mahanap na matinong kausap o maayos na sagot, tumitingala at tumitingin sa mga bituin at mga planeta. Pero kung dito sa Maynila nakatira, asa pa. Maski nga ilaw sa poste 'di maaninag sa kapal ng smog. Ang ending, online tarot reading na lang.

Hindi ko naintindihan 'tong sagot ng virtual baraha. Pero ayoko nang magtanong ulit. Baka magalit eh kung ano pa lumabas. Besides, inaantok na 'ko.

Tsaka parang, uhm, nauubos na rin ang pasensya ko.
Two of Cups - Reversed
in the Past position.
A card in the left position indicates what has happened to affect your question in the past.

Cowardice. False love and weakness. Jealousy. Outside influences damage the fragile growth of a new relationship. The intense energy of a good match gone awry proves equally passionate in the negative direction. Panic, hurt, sabotage.

Eight of Pentacles - Reversed
in the Present position.
A card in the middle position indicates what is affecting your question at this time.

Loathing the workplace. Avoiding making a choice of career or lack of ambition. One who manipulates and exploits to acquire rather than labours. Double standards within a familyrun business. Freeloader. Attitude of a spoiled child.

Six of Swords
in the Future position.
A card in the right position indicates your questions future.

Movement. Improvement of any situation. Safe passage. More than sympathy, but help from others. Moving away from an unhealthy situation. Lessening stress, yet destination unknown. Travel over water. A new chapter. Sometimes interpreted as a declaration of love. Direction. A powerful card in aligning heart and mind. Focus and follow-through, yet unpredictable result.

Original post after the jump.
Llewellyn's Web Tarot after the jump.
.

Wednesday, November 05, 2008

Before I Hit the Sack with this Stupid Grin on my Face

Hindi naman ako 'yung tipong astrology-freak. Usually it takes more than a couple of general statements to convince me na tama nga 'yung predictions.

However, for some strange reason, parang korek / tama / eksakto 'yung horoscope ko for today. Ngayon ko lang 'to nabasa dahil nagpapaantok ako. Pero tumambling ako at napa-cartwheel dahil parang... precise. As in razor-sharp precise.

It says...

Daily Overview: November 04, 2008
CAPRICORN

Today brings an ending of some kind that is much better for you than you would have expected. It's a great day to try new things or to just relax and bask in the glow of your great results!

Ang pinakapaborito ko ay 'yung part tungkol sa *ending.* True enough, when I woke up this morning, sobrang sama ng pakiramdam ko. I felt like I had Mystica's nails stuck inside my throat. Tapos, mainit 'yung pakiramdam ko--at hindi 'yung sexy na klase ng *init.* Tapos nahihirapan ako huminga. Tapos inuubo, pero since kinakalmot nga ni Mystica 'yung throat ko, ang sakit [feeling ata nya eh mukha 'yun ni Cristy "Sumalangit Nawa" Fermin]. Tapos...

Tapos, wala pa 'yung inaabangan / inaasahan. Bad trip.

Pero dahil Capricorn ako, hindi ako nagpahalata nu'ng naramdaman kong disappointment. Dapat cool lang. Unaffected. Parang... I-couldn't-care-less. Goatshit.

Buti na lang, naka-align ata nang maayos ang mga planet, star at galaxy ngayong araw na 'to. Somehow 'yung hintayan na nauwi sa dedmahan na nauwi sa *hmpf!* ay na-address naman. Nagkausap. Nagkalinawan. Tapos may bonus pang konting bolahan.

At 'yung nakakairitang simula ng araw, maganda naman ang ending. Well, more than maganda, it was way beyond what I was expecting. Way beyond what I wanted at this point. Way beyond what I deserved.

I don't know if this is the next level. Siguro. I don't want to get ahead of myself. Basta. Baby steps lang muna. Hindi ko alam kung saan 'to makakarating. Pero ang sigurado ko, it will be somewhere magical.

If ito ang regalo ko ngayong Pasko, grabe, sulit na sulit ang pagpapa-good boy ko nitong mga nakaraang taon. At mukhang I'll giggle-like-a-high-school-girl the rest of the year away.
.

Saturday, November 01, 2008

Usapang Moon, Stars, at Butterflies; in Short, Usapang Mushy

Tinanong n'ya 'ko, "Are you the stars that look down on me? Or the moon that shines above me?"

Mula kasi nang magkakilala kami, naka-create kami ng routine. Sa mga usapan, laging nasisingit ang takutan. And a couple of nights ago, sinimulan ko ulit, "Tingin ka sa labas. Nandito ako."

I was hoping na matakot s'ya. Na either may magic ako para mag-travel nang mabilis. Or at least ma-freak out man lang na ako pala 'yung tipong nang-i-stalk o nag-aabang sa labas ng bahay.

But, no. Humirit ng "Are you the stars that look down on me? Or the moon that shines above me?"

I was caught off guard. Akala ko hihiritan ako ng mas malupit.

A few days earlier kasi, tinakot ko, "Sino 'yang nasa likod mo?"

Eh, since mukha ngang matapang, sabi n'ya "Pader. Eh, ikaw, sino 'yang matandang nakakapit sa binti mo?"

"Bwiset bwiset bwiset!" Sobrang visual ko kaya mag-isip. Same reason kaya ayoko ng mga adult na usapan. Nai-imagine ko na agad. 'Pag may mention ng private parts or 'yung bagay na ginagawa ng mga taong *nagmamahalan,* nakikita ko na agad 'yun sa isip ko.

Eh 'di lalo na 'yung matandang nakakapit sa binti ko. Tumatak agad sa isip ko si Lilian Cantapay [?] na nakayakap sa binti ko sa ilalim ng sofa. At ayaw bumitiw. Hindi nagsasalita, pero ang talim ng tingin.

Bwiset talaga. Ilang oras bago ko naibaba at naalis ang tingin ko sa mga binti ko.

Kaya nu'ng sinabihan ko s'ya na "Tingin ka sa labas. Nandito ako." At nagtanong s'ya, "Are you the stars that look down on me? Or the moon that shines above me?" Tumambling ako. Tatlong beses. Sabay backflip.

Tsaka ko pinatulan, "I'm both. Are you the butterflies fluttering restlessly inside my chest?"

Nyahahaha! [Although, I wasn't really laughing like that. I was actually giggling like a high school girl. High pitched.]

Sabi n'ya, "Yes, I am."

And on and on it went. Blah blah blah... Pero high pitched.

Needless to say, natulog ako nu'ng gabi na 'yun nang nakangiti. At paggising naman ay may malutong na "ha ha ha!" [Hiwa-hiwalay bawat isang *ha* dahil ganu'n talaga ako tumawa sa totoong buhay.]

In love na ba 'ko? Nope, I don't think so. Am I getting there? Maybe, I don't know. Do I like how I'm feeling right now? Definitely.

It's been years--three? four?--since I felt this way. I was beginning to think na never ko nang mararamdaman 'to ulit. Kaya right now, kahit walang sigurado, ayoko munang mag-isip masyado. Gusto ko munang maramdaman 'yung kiliti sa dulo ng mga daliri sa paa, 'yung kuryente sa kamay, at 'yung involuntary na tawa na lumalabas sa bibig. 'Wag muna love; du'n na lang muna sa idea ng love.

Is it the person? Ewan. Unfair siguro para sa kanya, but I think medyo matagal-tagal na 'tong in the making. Tried getting into relationships, konti. Tried going out on dates, konti ulit. Tried meeting new people, konti pa ulit. Konti pa. Konti ulit. Konti-konti. Baka ito 'yung sinasabi nilang feather that broke the camel's back. Or para sa 'kin, the flirting that made me giggle again. Like a high school girl. High pitched. Hiwa-hiwalay na "ha ha ha".

Kaya naman mula nu'ng tinanong n'ya, "Are you the stars that look down on me? Or the moon that shines above me?" At sinabi kong "I'm both. Are you the butterflies fluttering restlessly inside my chest?" At in-assure n'ya 'kong "Yes, I am." ang saya-saya ko. Ninanamnam ko bawat salita. Bawat personal pronoun at bawat noun na magkarugtong. Matagal ko nang gusto ang moon, pero parang lalo 'yun gumanda sa paningin ko. Pati 'yung mga stars. Pati 'yung mga butterfly.

And to use 'yung favorite word namin, lahat naging *magical.*

Muntik ko nang nalimutan how this felt. Sarap nga pala ng ganito. Sana 'wag na 'tong mawala ulit. Sana makaramdam ako ng ganito habambuhay.

Tapos bigla kong na-realize, P*tah! Eh, one to two weeks nga lang pala ang lifespan ng butterflies!

Original post after the jump.
Sources of the moon and butterfly images after the jump.
.

Monday, July 14, 2008

'pag tigok na 'yung paruparo


hindi na pwedeng kumislut-kislot
ang mga paruparo 'pag dedbol na
hindi na pwedeng lumipad
at dumapo sa mga bulaklak
at sipsipin 'yung nektar
na umaagos mula sa pagitan
nu'ng mga petal

'pag tigok na 'yung paruparo
hindi na pwedeng maglakwatsa
sa iba't ibang garden
hindi na makakasubok tumikim
ng santan, kampupot, kalatsutsi,
dama de noche, gumamela at rosas
hindi na makakapagkumpara
at wala nang pollen na 'di sinasadya
ay matatangay dahil sa kapabayaan

wala nang bulaklak na matutuwa sa kanyang pagdating
wala nang bulaklak na mai-insecure dahil mukhang hindi s'ya ang gusto nitong dapuan ngayon
wala nang bulaklak, na sa oras na dapuan, ay sasayaw sa hangin
dahil parang gustong patulugin at 'wag nang paalisin 'yung paruparo sa kanyang kandungan
at wala nang bulaklak na malalanta sa oras ng pamamaalam

'pag patay na 'yung paruparo
hindi na nito kailangang maghanap ng bulaklak
na dadapuan, kung saan n'ya uubusin 'yung ilang oras na natitira
sa maikli n'yang buhay
hindi na n'ya kailangang sumalubong sa malakas na hangin para hanapin 'yun
hindi na n'ya kailangang magpakabasa sa bagyo
para lang takpan nu'ng manipis n'yang pakpak 'yung mga petal
para 'wag masira

'pag wala na 'yung paruparo
wala nang mae-excite
wala nang maghihintay sa wala
wala nang matutuwa
wala nang iiyak
wala nang masasaktan


Click the photo for the source.
.