Monday, November 10, 2008

Kung Paanong Lalong Pinagulo Ng Mga Baraha 'Yung Magulo Na Talaga

Biglang bumuhos ang ulan. Buhos talaga. Hindi patak. Buhos. Parang bomba ng bumbero. 'Yung tunog ay parang mga sasakyan na tumatakbo nang mabilis at sabay-sabay.

Buhos. Hindi patak.

. o O o .

Parang gusto kong maiyak. Hindi UMiyak. Kundi MAiyak. Hindi dahil trip ko o dahil nararamdaman ko. Pero parang kailangan ko. Ang problema, wala akong mapaghugutan.

Nalulungkot ako. Hindi dahil mayroong bagay na dapat kong ikalungkot. Actually, wala lang talagang anumang bagay na dapat ikasaya.

Kung ipagpipilitan ko talaga, ia-apply ko rito 'yung Theory of Reciprocity. Ibig sabihin, one won't exist without the other. Ergo, kung walang lungkot at iyak, wala ring saya at tawa. Baka mas 'yun ang pino-problema ko.

Ewan ko. Naguguluhan na 'ko sa sarili kong pretensyon. Baka bigla akong maiyak at matawa nang sabay dito.

. o O o .

Sabi, patience is a virtue. Naisip ko, paano 'yan? wala akong patience. Ibig kayang sabihin nu'n eh hindi ako virtuous? Meaning, immoral ako at hindi... chaste?

Uhm... Ewan. Ito 'yung mga isyu na ayokong ina-address.

I-imagine-in ko na lang ang nunal ni GMA. Harrrrooooarrrrr!

. o O o .

Naging supernova na 'yung mga star, at nag-lunar eclipse na agad. Kainis. Two weeks lang halos.

Lumipad at lumanding sa harapan 'yung reality. Nadaganan 'yung mga butterfly. Pisat. Tumalsik 'yung kulay green and white na laman-loob. Tapos binuhusan ng gasolina, tsaka hinagisan ng posporo. At nu'ng abo na, binagsakan ng atomic bomb. Tapos, ng nuclear warhead. Good luck.

. o O o .

I hope this doesn't make me a bad person. I'm trying to earn pogi points sa universe.

. o O o .

Anyway, ang mga tao daw, 'pag naguguluhan at mayroong hindi naiintindihan, at walang mahanap na matinong kausap o maayos na sagot, tumitingala at tumitingin sa mga bituin at mga planeta. Pero kung dito sa Maynila nakatira, asa pa. Maski nga ilaw sa poste 'di maaninag sa kapal ng smog. Ang ending, online tarot reading na lang.

Hindi ko naintindihan 'tong sagot ng virtual baraha. Pero ayoko nang magtanong ulit. Baka magalit eh kung ano pa lumabas. Besides, inaantok na 'ko.

Tsaka parang, uhm, nauubos na rin ang pasensya ko.
Two of Cups - Reversed
in the Past position.
A card in the left position indicates what has happened to affect your question in the past.

Cowardice. False love and weakness. Jealousy. Outside influences damage the fragile growth of a new relationship. The intense energy of a good match gone awry proves equally passionate in the negative direction. Panic, hurt, sabotage.

Eight of Pentacles - Reversed
in the Present position.
A card in the middle position indicates what is affecting your question at this time.

Loathing the workplace. Avoiding making a choice of career or lack of ambition. One who manipulates and exploits to acquire rather than labours. Double standards within a familyrun business. Freeloader. Attitude of a spoiled child.

Six of Swords
in the Future position.
A card in the right position indicates your questions future.

Movement. Improvement of any situation. Safe passage. More than sympathy, but help from others. Moving away from an unhealthy situation. Lessening stress, yet destination unknown. Travel over water. A new chapter. Sometimes interpreted as a declaration of love. Direction. A powerful card in aligning heart and mind. Focus and follow-through, yet unpredictable result.

Original post after the jump.
Llewellyn's Web Tarot after the jump.
.

No comments:

Post a Comment