Full moon nu'ng huling birthday ko bago natapos ang 2nd millennium ['yun ang popular belief, na ang dulo ng 2nd millennium ay ang 1999; pero alam naman nating lahat na kalokohan 'yun, at magsisimula lang talaga ang 3rd millennium pagdating ng 2001].
Supposedly, it was the largest full moon in about 2,000 years.
Hindi ko alam kung totoo 'yun. Hanggang ngayon. Hindi naman sa ayokong malaman. Tinatamad lang akong i-research pa 'yun. Ang mahalaga, it made my birthday extra special. Mababaw lang naman nga kasi akong tao. Masaya na 'ko sa mga ganu'ng kakornihan.
. o O o .
Nananakit ang buong katawan ko. Nakakapagod ang araw na 'to. I finally started installing yung mga binili kong curtain rod a few weeks ago. Akala ko madali lang since electric drill ang gamit ko. But no, heavy-duty / industrial-strength pala 'yung concrete wall nitong bahay. Sa awa ni Batman, inabot nang almost 1 hour kada isang turnilyo. [Siyempre kasama na ru'n 'yung mini-siestas, meryenda, inom ng coke, chat, etc.] Eh 16 na turnilyo 'yung kailangang ikabit. Isang kurtina lang natapos ko today. May dalawa pa. Good luck na lang.
Pero kahit mahirap, mas gusto ko 'yung ganito. Na ako ang gumagawa ng mga bagay dito sa house. Kaya nga inabot nang ganito katagal. Walang ma-decide na design, walang plano, walang inspiration [yebah!]. Basta lahat wala.
Pero nu'ng na-start ko 'tong maliliit na makeover the other day, naisip ko, saan ma-keep ko 'yung interest ko hanggang matapos. Hopefully, before ng birthday ko--in 36 days.
Kakapagod. Pero ito 'yung masarap na klase ng pagod. Sarap ng tulog ko nito mamaya.
. o O o .
Tomorrow, 'yung 2nd na kurtina naman ang ikakabit ko. And sa friday, 'yung 3rd and final kurtina.
Then, staining and varnishing, and installation nu'ng wooden cabinet...
Sigh... Iniisip ko pa lang napapagod na 'ko.
. o O o .
Sabi ng horoscope ko for today: It can be so annoying when bureaucrats give you mixed signals. You may be tearing your hair out just now trying to solve what should really be a simple problem. Not so. You may spend inordinate amounts of time on the telephone, sending e-mails or basically driving yourself crazy. You may just have to stop for a moment and that the universe solve this rather than bang your head against the wall today.
Somehow, it's true. Hindi pa ako nakaka-enroll sa MA ko dahil sa bureaucracy. Pati 'yung dito sa house, tinamaan ng lint*k na bureaucracy. Basta. This system that we have constantly makes me feel small, irrelevant and unimportant.
.
No comments:
Post a Comment