Showing posts with label birthday. Show all posts
Showing posts with label birthday. Show all posts

Friday, September 18, 2009

Inx's Birthday

Lunch with Inx's for his birthday. And coffee with Gerry afterwards.

After we finished our undergrad, we saw less and less of each other. Like, once a year, or once every 2 years.

Greenbelt 3, Makati
18 September 2009

Lunch with Inx's. I was so good at playing innocent na birthday n'ya that he eventually had to tell/remind me *birthday ko ngayon!*

Nyaha!

[Burp! Salamat sa lunch.]

Coffee, and yosi, afterwards.

- Gerry, busy ka? Punta ka rito.
- Kakatapos lang meeting. Dami ko pang ginagawa e.
- Birthday ni Inx's.
- [beat]
- Intayin n'yo 'ko.

Picture-picture!-- Xe, Gerry, and Pisngi ni Inx's [yes, kasama sa billing 'yun].

Pero ito talaga ang normal na mukha ni Birthday Boy 'pag nawawala sa isip n'ya na Birthday Boy nga pala s'ya.

Happy Birthday, Inx's :D
.

Monday, September 14, 2009

Happy 4th Birthday to Sam!

Samantha Kyle, the only girl among the five great grand children, turns four today.
Manaoag trip, January 2008. Samantha was only 2 years and 4 months old.

Four generations of women in the family, all panganays [except for Sam who's bunso, but since she's an only girl that counts, too]-- Ina, Ate Dinah, Bethel, and Sam.
.

Monday, December 08, 2008

14 Days


Sa wakas, pagkatapos nang ilang linggong pang-iistorbo sa mga kapitbahay, naisabit na nang tuluyan ang mga kurtina.

Pati na rin 'yung christmas lights at decor. Seventeen days before Christmas, and 14 days before my birthday, unti-unti nang nagmumukhang bahay 'tong lungga ko.

Buti naman.


Nagmamatigas kasi ng ulo. Ayoko na kasing mag-hire ng handyman para sa ganito kaliit na bagay. 'Yun nga lang, dahil sa sobrang tigas nung wall, ang sakit sa katawan.


But, at least, tuwing titingnan ko ngayon 'yung bintana, masasabi ko sa sarili ko na, *Ako ang gumawa n'yan... POTAH.*


Original post after the jump.
.

Sunday, December 07, 2008

15 Days

Today 'yung last day ng 5-week Basic Scriptwriting Workshop namin sa UP Cine Adarna.

For 5 weeks, ito 'yung kina-karir namin 'pag Saturday or Sunday. And for 5 weeks, kami-kami 'yung nagkukulitan, nagdadautan ng trabaho, at nagsasalu-salo sa Frutos.

Pero syempre, it had to end. Kailangang matapos to give way sa actual na pagsusulat. Kailangan nang kumawala sa cocoon para makalipad na. Kailangan nang lumabas ng conference room sa 2nd floor para i-experience 'yung mundo na siyang ikukwento.

Bye, guys. And welcome sa masaya at magulong mundo ng pagsusulat.

Marivic, Mich, Olga, Angeli, Jessy, Alex and me
[Not in the picture: Jun and Mae]

Original post after the jump.
.

16 Days

Ilang mga larawang kuha sa Pride March nu'ng 06 December 2008 sa Malate. First timer dito kaya para akong nakarating sa... uhm... perya [dahil na rin sa dami ng mga sirena na nagkalat sa kalsada].
Program after the march. Isinara 'yung street sa may kanto ng Nakpil at Orosa.

Pao and Sass were two of the hosts of the program.

Piapot, Avie & Libay. Parang mga bulate sa kalikutan.

Siempre 'pag may nagsasaya, 'di mawawala ang mga nega. Eto 'yung 7 or 8 na heckler sa may likuran ng crowd. [I'm sure gusto lang nitong makinood ng mga nagpe-perform.] Sabi nu'ng suki ng Pride March, first time nagkaroon ng ganito dito sa Pilipinas. And nu'ng sinipat-sipat namin, ayun nga, dalawang puti ang promotor. Pero goodluck na lang sa kanila; kay Pia pa lang na-heckle na nang husto 'yung mga heckler.

Joey [not de Leon] and the Raging Divas.

Dinner at Silya, with Pia and Libay. Naki-picture naman muna nang slight sina Avie at Macel.

Fluid Alitaptap.

Libay and Pia, bume-blend sa crowd.

Ang 0.0001% ng 10% ng population ng Pilipinas.

Camwhoring at Silya



Camwhoring at Chelu.






Waaah!

Sungit.

Pati ceiling fan ng Chelu, camwhore.

One way: Pakaliwa.

Ang sapatos ni Libay.

Ang sirena at si Rovie.

Newsflash: Sirena, rumampa! Pahsowk!

The Glittery Sirena and the Jittery Raf. [Pagod na ang talukap nu'ng sirena sa bigay ng false eyelashes.]

About 2am, binitbit ako ni Raf sa Unplugged. At ganu'n na lang ang gulat ko nu'ng nagpunta ako ng CR--may eroplano na nabalalak sa bintana.

Wala lang. Pinto lang sa ibaba ng hagdan papunta sa CR. Pero 'yung CR sa 2nd floor. So 'yung ganitong POV, ibig sabihin, pababa na ulit sa Unplugged, at galing na sa CR... Hmm, ang gulo naman...

Ang one way pakaliwa at ang nahihiyang room for rent.

Raf and Lito...

...sa O.

Malapit na ulit sumikat ang araw, pero ang mga bulate nasa kalye pa rin.

Original post after the jump.
.

Tuesday, November 18, 2008

35 Days

Iniisip ko na itong countdown na ito ang gagawin kong isang way para lagi kong maalala 'yung parating kong birthday. Para hindi ako tetengga. Para lagi akong may gagawin. Para productive ang bawat araw ko. Para pwede kong sabihin sa sarili ko na may mga natapos naman ako sa mga sinimulan ko... kahit paano.

. o O o .

To Do List

1. I went to UP today para bumoto sa susunod na faculty regent ng buong UP System. Accomplished.

2. Sinubukan kong tapusin ang pag-e-enroll ko, kaso kulang pa 'yung pirma nu'ng... 'yung ano... [wala talagang pangalan 'yung form na 'yun dahil nu'ng hinanapan ako ng mga staff ng Office of the University Registrar, ang sabi lang nila sa akin *ganito... 'yung ano...*]. For follow up.

3. In-attempt ko ring ituloy 'yung pagkakabit ng mga curtain rods. After about an hour, after lalong magsakitan 'yung mga kasu-kasuan, after maibaon 'yung isang turnilyo I decided to put it off for another day. [Sigh] Sana matapos ko lahat ng mga ito before my birthday... in 35 days. Divine intervention badly needed.

. o O o .

To unwind, pinuntahan ko 'yung website na dedicated para sa mga narcissistic yet invisible earthlings that my nephew Rap recommended. It's called photofunia. Medyo cheesy 'yung name. Pero, promise, nakakaubos-oras. At makakalimutan mo lahat ng mga taong kinaiinisan mo, or kung gaano ka kaliit, ka-invisible, ka-unimportant, ka-helpless, ka-nameless, ka-faceless, ka... ka... ka... Basta.

Kung sinuman ang gumawa ng program para rito, ang masasabi ko lang--karir! Pati 'yung contour, dimension, etc, nu'ng surface sinunod. 'Di ko alam kung masyado lang s'yang magaling, matalino, technologically advanced... or wala lang talagang magawa sa buhay.

Syempre, dahil Narciso rin ang middle name ko, puro mukha ko ang pinag-eksperimentuhan ko. Kahit man lang dito eh maramdaman kong ako ang nasa sentro ng universe.






Click thumbnails to enlarge. Kung gusto mo lang. Hindi naman required.
.