Saturday, November 01, 2008

Usapang Moon, Stars, at Butterflies; in Short, Usapang Mushy

Tinanong n'ya 'ko, "Are you the stars that look down on me? Or the moon that shines above me?"

Mula kasi nang magkakilala kami, naka-create kami ng routine. Sa mga usapan, laging nasisingit ang takutan. And a couple of nights ago, sinimulan ko ulit, "Tingin ka sa labas. Nandito ako."

I was hoping na matakot s'ya. Na either may magic ako para mag-travel nang mabilis. Or at least ma-freak out man lang na ako pala 'yung tipong nang-i-stalk o nag-aabang sa labas ng bahay.

But, no. Humirit ng "Are you the stars that look down on me? Or the moon that shines above me?"

I was caught off guard. Akala ko hihiritan ako ng mas malupit.

A few days earlier kasi, tinakot ko, "Sino 'yang nasa likod mo?"

Eh, since mukha ngang matapang, sabi n'ya "Pader. Eh, ikaw, sino 'yang matandang nakakapit sa binti mo?"

"Bwiset bwiset bwiset!" Sobrang visual ko kaya mag-isip. Same reason kaya ayoko ng mga adult na usapan. Nai-imagine ko na agad. 'Pag may mention ng private parts or 'yung bagay na ginagawa ng mga taong *nagmamahalan,* nakikita ko na agad 'yun sa isip ko.

Eh 'di lalo na 'yung matandang nakakapit sa binti ko. Tumatak agad sa isip ko si Lilian Cantapay [?] na nakayakap sa binti ko sa ilalim ng sofa. At ayaw bumitiw. Hindi nagsasalita, pero ang talim ng tingin.

Bwiset talaga. Ilang oras bago ko naibaba at naalis ang tingin ko sa mga binti ko.

Kaya nu'ng sinabihan ko s'ya na "Tingin ka sa labas. Nandito ako." At nagtanong s'ya, "Are you the stars that look down on me? Or the moon that shines above me?" Tumambling ako. Tatlong beses. Sabay backflip.

Tsaka ko pinatulan, "I'm both. Are you the butterflies fluttering restlessly inside my chest?"

Nyahahaha! [Although, I wasn't really laughing like that. I was actually giggling like a high school girl. High pitched.]

Sabi n'ya, "Yes, I am."

And on and on it went. Blah blah blah... Pero high pitched.

Needless to say, natulog ako nu'ng gabi na 'yun nang nakangiti. At paggising naman ay may malutong na "ha ha ha!" [Hiwa-hiwalay bawat isang *ha* dahil ganu'n talaga ako tumawa sa totoong buhay.]

In love na ba 'ko? Nope, I don't think so. Am I getting there? Maybe, I don't know. Do I like how I'm feeling right now? Definitely.

It's been years--three? four?--since I felt this way. I was beginning to think na never ko nang mararamdaman 'to ulit. Kaya right now, kahit walang sigurado, ayoko munang mag-isip masyado. Gusto ko munang maramdaman 'yung kiliti sa dulo ng mga daliri sa paa, 'yung kuryente sa kamay, at 'yung involuntary na tawa na lumalabas sa bibig. 'Wag muna love; du'n na lang muna sa idea ng love.

Is it the person? Ewan. Unfair siguro para sa kanya, but I think medyo matagal-tagal na 'tong in the making. Tried getting into relationships, konti. Tried going out on dates, konti ulit. Tried meeting new people, konti pa ulit. Konti pa. Konti ulit. Konti-konti. Baka ito 'yung sinasabi nilang feather that broke the camel's back. Or para sa 'kin, the flirting that made me giggle again. Like a high school girl. High pitched. Hiwa-hiwalay na "ha ha ha".

Kaya naman mula nu'ng tinanong n'ya, "Are you the stars that look down on me? Or the moon that shines above me?" At sinabi kong "I'm both. Are you the butterflies fluttering restlessly inside my chest?" At in-assure n'ya 'kong "Yes, I am." ang saya-saya ko. Ninanamnam ko bawat salita. Bawat personal pronoun at bawat noun na magkarugtong. Matagal ko nang gusto ang moon, pero parang lalo 'yun gumanda sa paningin ko. Pati 'yung mga stars. Pati 'yung mga butterfly.

And to use 'yung favorite word namin, lahat naging *magical.*

Muntik ko nang nalimutan how this felt. Sarap nga pala ng ganito. Sana 'wag na 'tong mawala ulit. Sana makaramdam ako ng ganito habambuhay.

Tapos bigla kong na-realize, P*tah! Eh, one to two weeks nga lang pala ang lifespan ng butterflies!

Original post after the jump.
Sources of the moon and butterfly images after the jump.
.

No comments:

Post a Comment