Tuesday, September 01, 2009

At Biglang...

...September na agad. Walang kaabug-abog. Walang pasabi. Bigla na lang
paggising mo, September na. At alam na natin ang ibig sabihin nu'n--
ilang tulog na lang Pasko na.

Biglang may iba nang ibig sabihin ang malamig na hangin. 'Di na
simpleng, *may bagyo 'ata e.* 'Di na 'ko magugulat kung mamaya sa taxi
e bigla na ring patugtugin ang mga christmas carol. Biglang kailangan
nang mag-doble tipid. Hindi lang para sa taas-baba-taas na presyo ng
biliin, 'di lang para sa buwanang bills, 'di lang para makasabay ang
ipon sa walang tigil na inflation Kundi para na rin may maitabi para
sa Noche Buena. Para rin may maipambili ng regalo. Para may
maipamasko.

Tapos, 2010.

Buti na lang at may eleksyon sa May. Kahit paano mabi-break ang
monotony at nakakabagot ng siklo ng pagpapalit-palit ng mga araw,
linggo at buwan. Pero 'di rin naman natin alam kung may mababago nga
sa eleksyon, at pagkatapos nu'n.

Pero ganu'n pa rin. Biglang-bigla, paggising mo isang umaga, September na naman.

--
Sent from my mobile device

No comments:

Post a Comment