Sunday, April 20, 2008

TAYAAN


Libay tagged me. Damay-damay na lang :P

* Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
* Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules.

* At the end of your blog, you need to choose ten people to get tagged and list their names.
* Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.

1. I am a hundred percent probinsyano. I live and work in QC now, pero sana maka-raise ako soon ng money para makabili ng lupa sa Pulilan. Doon na ako magre-retire. Hopefully there'll be enough space para makapag-alaga ako ng mga hayup at halaman. Tipong magsasaka ang dating.

2. Every so often naiisip ko na maging isang mangingisda. Gusto ko ring tumira at mag-work in Baguio/Boracay/Vigan/Cotabato/Negros for a year. Sana magawa ko ang mga ito before ako tuluyang matali sa siyudad.

3. Katoliko na ulit ako. Although hindi naman talaga nawawala ang pagiging Katoliko ng isang tao oras na mabinyagan, unless ma-excommunicate. Pero itinanggi ko 'tong relihiyon na 'to sa loob ng halos isa't kalahating dekada. At kababalik-balik ko lang two years ago.

4. Hindi ako naniniwala na random ang pangyayari sa mundo. Sa experience ko, lahat ay may dahilan at may patutunguhan. Totoo rin ang karma. Simpleng action-reaction. What goes around comes around.

5. 100% Tagalog, pero Ilongo-phile. I can speak a little Ilongo pero napapaghalo ko with Bisaya. Napapagkamalan akong Ilongo minsan. At ikinatutuwa ko 'yun.

6. Passive-aggressive ako. Ayoko ng confrontation. Ayoko ng diskusyon. Ayoko ng away. Kapag galit ako (which happens very seldom) pinuputol ko na lang ang komunikasyon. At sabi ng ilang kaibigan, sumasabog kapag napupuno.

7. Ayokong matali sa technology--pc, internet, phone. At ayokong ine-equate ang friendship sa reachability. Ayokong pinagagalitan ako dahil lang hindi ako matawagan, o hindi nagre-reply sa text. Dahil ako, nagagalit lang kapag sobrang laki na ng kasalanan. Like murder, rape, arson and malversation of public funds. Text/calls? Wala 'yan.

8. Near-sighted at astigmatic. Hindi ko ma-distinguish ang dark colors sa isa't isa. Black-darkblue-darkgreen-darkwhatever, pare-pareho lang na black para sa 'kin. Nalilito rin ako sa red and green pag pinagtabi. I can't effing carry a tune.

9. Middle child ako kaya matampuhin at KSP.

10. Mababaw ang kaligayahan ko at mababaw din ang luha ko.

I'm tagging: Laya, Cynthia, Mariel, Michiko, Jo, Ma-an, Monj, Pol, Squid, and Dang.

No comments:

Post a Comment