Monday, August 13, 2007

elehiya sa isang kandila

kandilang kumukuti-kutitap
umaandap-andap
sa makapal na karimlam
lumalaban, nakikipagtagisan
sa malakas na bagyong umiihip
bumubuga sa mumunti niyang apoy

hinihigop, sinisinghot
ang lahat ng hanging kayang hingahin

sinisimot ng timawang
mitsa ang kahuli-hulihang
patak ng lusaw na esperma

at bago pa muling sumikat ang araw
wala nang matitira

kundi tumagas na kaluluwa
at marka ng natuyong patak ng luha
kasama ng mga buhok
at kalansay na 'di na makikilala
sa loob ng nitso

mamayang hapon, isang kandila
ang muling sisindihan
sa harap ng aking lapida

--xe061803

No comments:

Post a Comment