Wednesday, October 29, 2008

La Unión: May Cameo Ng Sea Urchin

Sa wakas, makalipas ang 12 days, o 288 hours, o 17,280 minutes... bigla kong naramdaman na maging generous. Bumukas ang langit at nakadinig ako ng boses.

Sabi, *hijo, i-share mo naman 'yung mga nakakainggit na picture n'yo sa La Union.*

[Although, pwede rin naman na nadinig ko lang 'yung boses dahil sa sobrang antok. Heniweys...]

Etonaetonaetonaetonaetonaetonaetona!

Kunwari may interesado talagang tumingin.

15 October 2008
Sa bus pa lang, ang kulet na nitong dalawang 'to.
Parang nakikini-kinita ko na kung ano ang kahihinatnan ng bakasyong ito.

True enough. Ayun, first night, gumulong na sa sahig.
Pero maski isang drop ng SanMig Light walang tumapon.
'Yan ang ibig sabihin ng alcohol control.

Magkalinawan lang: bote ng SanMig Light ang hawak ko.

16 October 2008
Ito ang veranda sa labas nung kwartong ginamit namin.
Kung sa loob ng room, dinig na dinig 'yung tunog ng alon sa dagat, lalo na dito.
*sigh* Kung pwede akong mag-design ng sarili kong heaven, lalagyan ko ng ganito. *sigh... ulit*

Ito ang view namin every morning. [Pwede isa pang... *sigh*?]

Sala na may view ng dagat. [Papalabas...]

View from the main door. [Papalabas pa rin...]

[...At nakalabas na sa may seawall.]

Malapitang picture ng maingay maalon na dagat.


Dagat sa right.

Dagat sa left.

Mutual-piktyuran with Mari sa likod.

Cresta Ola: ruins sa tabi namin. Although sa hitsura nito, mukhang hindi nagamit. Sayang.

Tila sumasayaw na seawall.

Pictures ulit nu'ng ruins ng Cresta Ola.

I think isa sa mga dahilan kung bakit ako fascinated sa mga sirang building / ruins ay 'yung character at texture. Kahit saang anggulo mo tingnan, maganda. Medyo morbid, pero at least may personality. 'Di gaya ng ibang tao d'yan. Hmp!

Doggie by the ruins.


Ang hitsura nu'ng sirang building 'pag hindi nagfi-feeling na may rising sun sa likod.


Ruins naman ito... ng kasilyas.

Sighting ng nagmu-multong Chippy bag.

Drain na mukhang chever. Nyahahaha!

Mini-ilog. Sa Maynila, pusali.

Ganito kalaki 'yung room. At ganyan kasamâ makatingin si Libay.

Nagco-contemplate na ng gagawing menu si Mari.

3D: Pini-piktyuran kami ni Libay...

Habang pinipiktyuran ko rin sila. Galeng no?!

Kung katabi ni Libay si Pia dito...

...eh sino 'to?

Promise. Nadinig kong may lumalakad palapit, at may kumatok kaya ko binuksan ang pinto at sumilip. I was thinking isa 'yun kina Manong 1 or Manong 2 [wala pa 'ata si Manong 3 by this time]. Pero nada. Empty hallway ang bumulaga sa harapan ko.

Our version of Tropang Trumpo's... Bahaw: Ang Kaning Lamig!

Ito naman inspired ng Insiang. Si Pia ang Hilda Koronel.
At 'yung hair ko ang gumanap na Rez Cortez.

Kaaga-aga, nag-e-emote.

Charlie's Angels III: Bawal Ngumite.

Natatandaan mo 'yung soap na Cebu? Hmm, kelan kaya makakapaglublob sa dagat?

Nagfi-feeling mag-soundtrip mag-isa.
Kuha 'to ni Libay. Galing. Parang pusiket. Namimiktyur nang pa-sikret.

Take two: Mas malapit. Mas malupet. Mas emote.

Kaya naming i-delay mag-enjoy sa dagat. Dahil kami 'yung mga batang hindi lumapang sa marshmallow. Ayaw magsiligo.
Punta muna sa San Fernando. Tapos, San Juan.

Eto 'yung tindahan cum resto-bar na international ang appeal. Salamat ulit sa rice.

Hindi nakuha lahat ng mga flag sa itaas n'yo. Sowi.
Wala pa 'ko sa wisyo para gumulung-gulong sa lupa para lang magpiktyur-piktyur.

Town Plaza ng San Fernando, La Unión. Oo nga; sabi nga nu'ng sign.

Interior ng church. Duh?! Can I be more obvious?!

Eto naman 'yung façade. Huwaaaaah!

Kunwari spycam.

Parang Recto lang 'ne? May Odeon Theather din sa San Fernando, La Unión.

Isa pa isa pa isa pa!

Pa-attack na...

...sa surfing chever sa San Juan, La Unión.

Kaso dumadagundong ang langit, humahambalos ang alon sa dalampasigan, at bumubuhos ang ulan. At umaatake ang cliche.

Pero ang mga adik pasaway mapapait passionate sa pagsu-surf, ayaw paawat.

Ganda lang. Promise. Notice 'yung sea mist...

...sa crest ng mga alon. *sigh*

Ayun! May isang nagmamagaling nagsu-surf.

Eto pa isa. Nagpapasikat Nag-e-exhibition sa mga girls. Kabugin sana kayo ng mga alon.

Kung may Shaolin Soccer at Kung Fu Hustle si Stephen Chow, meron naman kaming... uhm... err... aha! Blazing Beach Bolly... Valley... Volleyball!

17 October 2008
On our 3rd day. [Music up.] Everything was still...

Even the waves seemed to crawl slowly, reluctantly, silently papunta sa shore, at pabalik sa dagat. Parang may hinihintay. At...

...si Jke pala ang parating.
Sensya na. Hindi sapat 'yung flower na naharbat namin sa bakuran ng kapitbahay para igawa ka ng lei.

Ilan pang ruins na nadaanan namin when we tried 'yung ibang pathway pabalik sa bahay.

Iba pa ulit 'to. Para itong isang community ng mga bahay / resort na hindi natirhan and nasira na lang ng panahon. Sarap gawan ng kwento. And the plot chickens tick thickens...

At isa pa ulit.

Ito repeat performance na lang ng Cresta Ola. Ito 'yung likod.

Syempre, by this time, hindi pa masyadong nakakahalata si Pia kung bakit bigla siyang tinatawag ng mga utaw. Tapos pagharap n'ya, sabay, schwing! picture ng lumilipad na hair.

Kasama sina Jke at Mari, nilusob namin ang mini-talipapa. [*Talipapa* na nga, *mini* pa? Gaano kaliit na lang 'yun? Basta!] Yummy! But I had to ask them several times muna kung hindi ito tulingan. Parang 'di ko pinangarap mag-encore ng food poisoning dito.

Hmmm... ganito pala ang hitsura ng estero sa La Unión. Interesting.

On our way back sa bahay, may nadaanan kaming isang bangkang kakadaung lang. Among sa naharbat nila sa karagatan ay isang banyera ng mabalahibong sea urchins. Out of curiosity and desire to try something new and different, we bought some. Pagdating sa bahay, nakipagkilala muna kami. Nakipagtitigan. Nakipagsukatan kung sino ang unang bibigay. Tapos biglang kumibot ung isang sea urchin. Aha! Biniyak namin.

Sa loob may ganitong kulay yellow na chever. Parang aligi ng alimango. Kakainin daw ng hilaw--maski suka, wala.

Pa-try nga. Hmmmm... Ang lansa! Bakit kailangang malansa para matsismis na aphrodisiac?

Si Jke naman.

'Yun na 'yun?! Hahaha! Kodak moment ang pagguhit ng disappointment sa mukha.

Sensya na, sea urchin #2. Kailangan lang namin 'tong gawin. 'Di bale, mapupunta ka na sa sea urchin heaven. One... Two... Aray! Nakakatusok ka ha!

Ay! May chever sa kaibuturan! Parang chever! Parang... sundot-kulangot!

Hmmm... Yummy! Pia enjoying it while nahihintakutang nanonood si Libay.

Jke went bananas. After tumira kumain ng sea urchin, we felt the urge na mag-banana-q. Hmmm... Heniweys, Kumusta naman ang nakapamaywang at naka-dress habang nagluluto?

Later that afternoon, we went back to San Juan para sa isang malupet na... body surfing.
*Hoy, bata! Nasaan ang magulang mo?!*
*Engh, sabi po nila, intayin ko sila dito, magbo-body surf lang sila du'n. Engh, 3 years ago pa po 'yun. Pati po 'yung sasakyan namin sa labas, wala na. Engh...*


Self-portrait ni Jke. Bakit contraluz?...

Engkasi, nakakasilaw ang araw!

Yipeee! Waves! Attaaaaack!

Yaikkks! Anlalaki ang waves! Baliiiiiik!
At mula nu'n hindi na muling nakita pa si Kulot. Na-miss tuloy ni Piapot.
Maalaala mo kaya... Ang chever-chever mo sa akin?...

All my life, i worshipped her
Her golden voice, her beauty's beat

How she made us feel

How she made me real

And the ground beneath her feet

And the ground beneath her feet

--*The Ground Beneath Her Feet*
Music: U2
Words: Salman Rushdie


Namimilipit sa Buhanginan I

Namimilipit sa Buhanginan II

Surfer Duud Dud ah basta! Dod

Mga hayup! Mga animal! Betch Bitch!

Syempre, pwede bang mawalan ng sunset photos 'pag nasa beach? Hmm?!
Jke captured the beauty of the chever sa chever... in short, kuha n'ya 'to.

Pati ito.

Surfer Duud Dud ah letse! Dods

Feeling... Oblê. Pero sa halip na fig leaf, sea urchin ang ginamit.
Gusto ko eh. Walang pakialamanan.


Hahaha! Hanggang La Unión, nag-ConCon. Sillo Silawet Silhouette ni Jke.

Silhouette naman ni Mari.

Ganda ng pagtama at pagkabasag ng mga alon sa matatalim na batuhan. Naaalala ko dito 'yung ilang eksena sa tabing-dagat nu'ng The Secret of Roan Inish ni John Sayles.

Eh ano kung mataba malaki ang beer-belly chubby, hansarap naman ng alon. *Sigh.* Nakakainggit!

Hmmm... Medyo maalat na 'tong kerot juice...

Jke, nako-conscious.

Bagong mowdel ng Pirelli.

Isa pa. Emote... emote... emote...

Ay! Na-conscious sa crowd.

Mari, emote sa harap ng sunset. Although naka-set na 'ata 'yung sun.

Keber kung wala na ang sun. Isa pa!



Ploning?! Ikaw ba 'yan?!

Ayan, napagod na sa shoot. Nag-walkout.

Pero ang paparazzi, ayaw tumigil. Isang flip naman ng hair d'yan.

Bumigay. Isang malupet na pouch pout ang binitiwan.


Ito ang favorite ko na kuha ko kay Jke. Sexy! Yiheee!

Ako din. Parang walang t'yan dito. Nyahahaha!

Is it just me, o 95% ng picture ko eh may bitbit akong beer? Nah, nagkakataon lang.

Uuuy, sweeeet!

Ahek! Hoy, may isip-bata sa likuran n'yo!

Pahinga na si Kuya Surfer Dod.

Isa pang paparazzi shot. Mainit na ang ulo ni Jke.
*Hirap na hirap na 'ko. Maghapon na tayong nagpi-piktyuran, hanggang ngayon ba naman?!*

Oooy, pakyot.

Okay ba tayo d'yan?

Oo na. Ganda ng cellphone mo.

18 October 2008
Kung hindi ako nagkakamali, ito 'ata ang tinatawag na pamamalakaya.
One more time... pa-ma-ma-la-ka-ya... Isang mabilis nga!

Mangingisda 1: Sabi mo may sirena tayong nahuli?
Mangingisda 2: Ahihihi! Pare naman, I was referring to myself!

3D ulit: Pinipiktyuran kami ni Libay...

...habang pinipiktyuran ko ang sarili ko. Nyahahaha!

Pamamalakaya ulit.

At pamamalakaya pa ulit.

Pensive Libay.

Ano'ng pensive-pensive ang pinagsasasabi mo d'yan?!

Earlier that day, Mari discovered itong ruins na 'to. So, inatak namin for brunch.

Ganito mag-smile ng cute na pang-animé. Laban ka?!

Family picture sa may guhô.

Ako rin ako rin ako rin!

Move over Anne Curtis! Eto na ang Dyosa ng condemned buildings.

Ang laki naman ang kutsara ni Ate Pia. Nyahahaha!

Sarap! Dedma sa cubiertos!

Piktyur-piktyur sa ruins.


Mama, ano ang nangyari sa mansion natin?! Nag-mall lang tayo sandali, pagbalik natin, gumuho na! Saan na tayo titira?! Saan?!

Gusto sana namin pumasok, kaso ang tindi ng security--Impenetrable twigs.

Pasilip-silip.

Jke sa steps.

Wha-?! It's like halinghing coming from the... loob?!

Baka mga multo na nag-aano... you know...


Jke... Partida pa 'yan dahil medyo umiinit na ang araw.

Building sa likod kung saan kami nag-picnic.

At 'yung ilog sa tabi.

Ganda, ne?!

Sa Nov. 13, full moon. Titigan mong mabuti 'yung balkonahe, makikita mo hinahanap mo.

Singit...

...at kilikili nu'ng ruins.

Stalact... Stalagmi... Stactites Ah, basta!

3D na naman: Pini-piktyuran pala ako ni Libay, habang...

...pini-piktyuran ko rin 'to.

Kahit nakalikod, project si ate.

Charlie's Angles... In Filipino, uma-anggulo.

Hanlaki ng fish! Nyahahaha! Mayamaya lang, ihaw ka na!

'Di ko alam kung nang-iinsulto, o nang-iinis, o nang-go-gross out ito banner na 'to.

Taasan mo ang sweldo namin! Kung hindi...!

Jke, Pia, Libay, Me and my bestfriend San Miguel.
Nitong mga oras na 'to, nasa labas pala si Mari at akala eh du'n kami magdi-dinner sa tabi ng dagat. Hehehe. Sowi. Mass communication.

19 October 2008
Huling morning. Bago bumiyahe pabalik ng Maynila.
Hwaaaah! Ayokong umalis!

Para hindi kami pabalikin ng Maynila, nagpatay-patayan na lang kami.

Tapos... hnnnnnngh... Multo... na... kami... hnnnnnngh...

Hansaya-saya! Nyahahaha!

Isa munang portrait kay Jke bago umalis.

*Sigh* View sa labas ng bus pauwi ng Maynila. *Sigh*

Teka, salamat muna sa family ni Ma'am Anne for letting us stay sa rest house nila by the beach. Ganda. At sarap ng bfast. [Nag-uwi tuloy si Jke ng longganisang ilokano.]

Kay Manong 1, Manong 2 at Manong 3 sa kwento, sa paglilinis at sa pagtanggal ng bara sa chever.

Kila Ate sa may tindahan cum bar sa libreng rice nu'ng 1st night namin.

And finally, ang cast of characters:
Libay, aka Bayli
Pia, aka Piapot
Mari, aka Maring Mari
Jke, aka Mag-uuwi-Ako-Sa-Maynila-Ng-Longganisang-Ilokano!

and Xe, ahem! aka 'Pag-Kulot-Salot
Plus, cameos by:
Mabalahibong Sea Urchins
Masarap na Banana-Q ni Jke
.