Anyway, dahil dito, swertihan kung paglabas mo ng building mo o nu'ng gate ng village eh madadaanan ka ng taxi. Kaya naman--sabi nga ni Melanie Marquez--blessing in the sky, dahil tuwing umaga, mae-enjoy mo ang scenery, ang sariwang hangin, ang peace and serenity habang lulan ka ng ever-reliable, earth-friendly at super-safe mode of transpo: ang tricycle.
Syempre packaged deal d'yan 'yung mga nakakatawang sticker. Gaya nito:
Sabi sa sticker:
PAALALA
HUWAG PO NATIN KALIMUTAN NA MAIWAN ANG ATING
MGA PERSONAL NA KAGAMITAN
SA LOOB NG TRICYCLE.
ATTY. ARIEL INTON
at ng pamunuan ng TODA
HUWAG PO NATIN KALIMUTAN NA MAIWAN ANG ATING
MGA PERSONAL NA KAGAMITAN
SA LOOB NG TRICYCLE.
ATTY. ARIEL INTON
at ng pamunuan ng TODA
Lupet, 'di ba? Ngayon alam na natin kung bakit baku-bako pa rin ang mga kalsada. Kung bakit siksikan ang mga bata sa maliliit, maiinit at kakaunting mga classroom. Kung bakit wala tayong maayos na tirahan. Kung bakit ang mahal ng bilihin. Kung bakit ang mahal ng gasolina at ng pamasahe.
Dahil importanteng ma-remind tayo na huwag nating kalimutan ang ating mga personal na kagamitan sa loob ng tricycle.
[Actually, 'yung nakita kong sticker the other day, identical. Kaya lang sa pinakataas, may nakasulat pang Philippine Government Chenelyn-Chenes, Quezon City Council.]
TAENA naman, mga kuya, mga ate, WE STILL HAVE 1 YEAR, 7 MONTHS AND 1 DAY BAGO ANG MAY 10, 2010 ELECTIONS. Tama na muna ang papogi. Gawin n'yo muna trabaho n'yo, MGA TINAMAAN KAYO NG LINTEK.
At 'wag n'yong gastusin 'yang buwis na ibinayad namin. Mahal-mahal ng pamasahe, napipilitan kaming magbaon ng lunch, laki-laki ng tax na binabawas sa 'min, tapos sa ganyan n'yo lang wawaldasin?!
Btw, according sa time-stamp nu'ng picture, I took it on July 20, 2008. 1 year, 9 months and 21 days before ng susunod na eleksyon.
Putragis na buhay 'to.
.
No comments:
Post a Comment