Monday, October 06, 2008

Ulyanin: Bakit Tayo Paulit-ulit Na Nagpapakant*t?

Nagamit ko na 'tong picture na 'to sa isang lumang post. Pero gagamitin ko ulit ngayon. Ganda eh. Hitik sa laman. Daming ibig sabihin. At ang masaya pa ro'n, may kahulugan lang ito sa mga taong involved. Meaning, sa mga taong walang paki, profile pic lang 'to na pang-Friendster.

Bakit nga ba andali nating makalimot? Noong una kong narinig 'yung komentaryo na 'yun, parang malaman. Parang pikon 'yung nagsasalita. Parang mananapak.

Pero ngayon, parang joke na lang.
Lalaki 1: Pare, bakit mo kinuha 'yung wallet ko nu'ng natulog tayong magkatabi? [Nyahahaha! nagkaro'n bigla ng gay undertone. Ayan, d'yan tayo magaling kaya lagi tayong nawawala sa totoong isyu.]
Lalaki 2: Hindi ah.
Lalaki 1: Ah, okay.

Kinabukasan...

Lalaki 1: Pare, bakit mo kinuha 'yung damit ko nu'ng naligo tayo nang sabay?
Lalaki 2: Hindi ah.
Lalaki 1: Ah, okay.

At kinabukasan ulit...

You get the drift.

Anyway, my point is that itong si Gloria "Impakta" Arroyo ay hindi bago. Hindi unique. Walang kakaibang ginawa. Walang bagong teknik sa panliligaw na ipinauso. Eh bakit naitihaya pa rin n'ya tayo sa talahiban?

'Kakainsulto, 'di ba?

Nauto na tayo dati ni Marcos: Tuwad! Tapos, tumuwad nga. Paulit-ulit. Nasaktan. Dinugo. Nagkapilay-pilay. Tapos umalma.

Pero nu'ng wala na 'yung sampamilyang demonyo, biglang nagpahinga! Maski nu'ng may iba namang humiklat sa balakang, 'di na umangal. Binulatlat na kaloob-looban ng singit, ng puson, hanggang bituka, abot hanggang lalamunan, sige pa rin.

Magrereklamo kunwari pero wala rin. Ang ending, pakant*t pa rin.

Hindi naman sa ibinubunton ko lahat ng sisi sa mga taumbayan. Syempre si Gloria "Demonyita" Arroyo 'yung nasa pwesto na anlaki sana ng magagawa para pabutihin ang pamamalakad sa pamahalaan, pero siya pa 'tong pasimuno sa lahat ng katarantaduhan. Tsaka 'yung mga pulitikong puro pa-pogi ang alam, at wala naman talagang matinong nagagawa; karamihan pa eh puro bobo. Tapos nariyan 'yung mga abusadong korporasyon na kino-kontraktwal lahat ng mga empleyadong desperado sa trabaho para walang bayarang benefits gaya ng SSS at Philhealth. Tsaka 'yung mga ipokritong media networks na kung manggising ng mga tiwaling tauhan sa gobyerno at pribadong sektor eh akala mo kung sinong malinis, eh, tingnan mo naman at more than half ng mga tauhan eh ni walang kontrata kahit biglang kontraktwal, at may ilan pang pinapasweldo ng below minimum wag per month, minus pa 'yung 10% na withholding tax.

Pero syempre hindi pwedeng wala tayo--bilang mga ordinaryong Juan at Maria, at Tonette at Bubbles--na tatanggaping kasalanan. Kung hindi tayo aamining pagkukulang, wala tayong babaguhin, at patuloy na lang tayong aasa na may magkukusang-loob na mag-angat sa kinalalagyan natin.

Uhm...

Hay, naku. Nakalimutan ko na 'yung punto ko.

Naging ulyanin na 'ata ako dahil sa tinagal-tagal na panahon eh pinayagan kong maging pakant*t.

No comments:

Post a Comment