Idiotic expression lang 'yun, you know "A group of words that have a specific meaning different from the translation of each individual word making up the expression." 'Yung sinabi kong du'n ako nag-Pasko; hindi 'yung adik-adik na sinabi nu'ng dating colleague.
Pakiramdam ko lang, ganu'n. Hindi 'yung adik na dati kong colleague; ang ibig kong sabihin ay 'yung parang du'n na ako nag-Pasko sa Development Bank of the Philippines - Commonwealth.
Kasi naman dumating ako du'n kanina shortly after 1pm. Magkakamal lang ako ng pera by encashing 'yung tseke na sinweldo ko sa pagiging isang public school teacher. Medyo mainit ang sikat ng araw, at medyo bibo si Manong Driver ng UP-Pantranco. Kaya naman 'yung maligamgam kong ulo eh muntik nang umabot sa boiling point [considering na gawa ito sa lead]. Buti na lang at nakarating muna kami ng Philcoa bago ako nagmistulang rebentador.
Tapos pagdating sa DBP-Commonwealth, as usual:
- check ng bags [Kainis! Dahil sa kaletsehan ng kung sinu-sinong akala mo kung sino eh kung sino lang pala, ang mga sibilyan ang naaabala sa bombahan at ka-paranoid-an nila];
- interview with Manong Guard kung ano ang gagawin mo sa bangko nilang pagkaganda-ganda at pagkabagu-bago [pakiramdam 'ata nila eh sasadyain ko 'yung bangko nilang forever nang under construction];
- tapos 'pag sinabi mong mag-e-encash ng tseke tsaka ka pa lang bibigyan ng number;
- tapos tatatakan nila 'yung likod ng tseke mo;
- tapos fill up daw;
- tapos ipapa-check mo du'n sa girl sa isang counter kung valid ang tseke mo together with your ID ['pag UP ID, kahit 'yun lang. If ibang ID--like SSS or lisensya, dapat dalawa >>> I DON'T EFFING GET THIS!]
- tapos 'pag tinawag na 'yung number mo tsaka mo pa lang ipapa-encash--dapat kasama ulit 'yung ID. [Considering na 30 secs earlier lang eh na-check na nu'ng katabi n'yang girl 'yung tseke at ID mo. DO THEY EVEN HAVE ANY IDEA KUNG ANO ANG FUNCTION NG MGA KASAMA NILA SA TRABAHO?!]
Ewan. Pati 'yung ibang clients, nabobornot na. 'Yung isa namalengke na sa katabing talipapa at naghiwa na ng mga gulay du'n sa sofa. Para daw pag-uwi n'ya, may maipa-pakbet na s'ya for dinner.
Ako, na hypertensive [sobrang hyper at ilang linggo nang tense], nag-yoga. Muntik ko na ngang na-perfect 'yung Levitational Split na ipinauso sa Little Mike of Music. Kaso biglang nilakasan 'yung volume nu'ng TV na nagpapalabas ng Wowowee: Mea Culpa. Kaya ayun, nawala ako sa happy place.
Anyway, being a strong believer that everyone is inherently good, I'd like to think that what happened today was an isolated case. Baka nga naman ginawa nang lahat ni Branch Manager ang magagawa n'ya kaso wala na talagang gustong mag-work for them kaya nu'ng nag-break for lunch 'yung isang teller [2 lang 'yung teller], wala siyang maipalit to serve 'yung mga client nila. Tsaka bakit naman ako magre-reklamo eh 2pm na nga nakabalik 'yung teller from lunch. I'm not implying that she took a 2-hour break. Baka nag-late lunch s'ya.
Tapos baka kaya sila nagpapasingit ng ibang tao ay dahil important clients 'yung mga 'yun at baka nag-threaten na 'pag 'di sila nakapag-Pasko sa house eh iko-close nila ang account/s. Posible 'di ba? Eh ako 'di naman sa kanila ang account ko. Nakiki-encash lang ako ng tseke once or twice a month. In a sense, para sa kanila, I don't exist.
And lastly, baka nagkataon lang din kanina na kaya 'di sila makapindot nang mabilis sa calculator was because may n ána 'yung mga kamay nila. Sabi kasi ng nanay ko 'pag mabagal ako kumilos para daw akong may n ána sa kamay kaya aátay-átay.
.
hahaha! nana sa kamay!
ReplyDeletetoo funny, brother.
divs