i saw a friend's blog about how much she had loved a particular series on komiks. i got excited, and post a very long reply. here it is--typo errors and all. i just asterisked the names.
damn! grabe, ****, paborito ko rin 'yung series na 'yun. as in pag nagbabakasyon ako with my ate who used to live right beside sa talipapa ng pepin st sa sampaloc, nauubos ang allowance ko kaka-renta ng komiks sa sari-sari store. at pinagtitiyagaan ko ang bantot ng palengke matapos ko lang basahin yung weekly (naging twice weekly ata sila) issue nun.
nasa dulo ng dila ko yung title. if i'm not mistaken it's a play on "lucifer" and "archangel gabriel." wild guesses: lucifer gabriel. whatever.
anyways, eto na... siempre, maliban sa anna lisa at flordeluna (yaikkks! 80's ang labanan) wala pa namang telenovela, fantaserye, chever-chever at kung anu-ano pang genre na naiimbento (to the point na 1 show / program per genre na halos. anyways...), ang sinusundan-sundan, ang idol eh not so much the direk, the writer, the channel. and kalaban ng mga artista sa mga fans ay ang mga... komiks writers and artists. ilan sa mga names na naalala ko right now are: mar t. santana (artist), zoila (writer), at siempre sina helen meriz at nerissa cabral (writers; whose works on komiks got translated to film. if i'm not mistaken, sa kanila yung "nagbabagang luha" at "pati ba pintig ng puso").
pero ang super-duper-mega idel ko ay walang iba kundi si vincent kua, jr. i had the chance to meet him sa ilang pagkakataon sa star cinema at abs-cbn noong matatapos na ang dekada '90 at sa pagsisimula ng ikatlong siglo. sobrang bait at unassuming. sa dinami-dami ng napatunayan niya, pero man lang hint ng hanging habagat kapag kausap mo siya. grabe.
sadly, though, according to a friend, he passed away na around 2 or 3 years ago, i'm not sure. hindi ko pa nako-confirm.
he was both a writer and an illustrator. i know of some people na sinusundan din yung works niya sa komiks. and remember him, and his works, until now. and he experimented sa konsepto ng sinusulat niya at illustrations.
teka, bakit nga ba ako naparatrat ng ganito? eh kasi sobra akong na-excite dahil dito sa entry mo sa blog about this lucifer-gabriel twist. KASI SI VINCENT KUA JR ANG NAGSULAT AT NAG-ILLUSTRATE NUN! (bakit kailangang sumigaw?)
you can ask *** and *** (fans din sila ni vincent) kung ano nga talaga yung title nung series na yun. and wala lang, but might i add, isa sa high points ng buhay ko nung makapagpa-picture ako with him. :)))))
No comments:
Post a Comment