Monday, November 26, 2007

bits on vincent, the 80's, and the peak of komiks

i saw a friend's blog about how much she had loved a particular series on komiks. i got excited, and post a very long reply. here it is--typo errors and all. i just asterisked the names.

damn! grabe, ****, paborito ko rin 'yung series na 'yun. as in pag nagbabakasyon ako with my ate who used to live right beside sa talipapa ng pepin st sa sampaloc, nauubos ang allowance ko kaka-renta ng komiks sa sari-sari store. at pinagtitiyagaan ko ang bantot ng palengke matapos ko lang basahin yung weekly (naging twice weekly ata sila) issue nun.

nasa dulo ng dila ko yung title. if i'm not mistaken it's a play on "lucifer" and "archangel gabriel." wild guesses: lucifer gabriel. whatever.

anyways, eto na... siempre, maliban sa anna lisa at flordeluna (yaikkks! 80's ang labanan) wala pa namang telenovela, fantaserye, chever-chever at kung anu-ano pang genre na naiimbento (to the point na 1 show / program per genre na halos. anyways...), ang sinusundan-sundan, ang idol eh not so much the direk, the writer, the channel. and kalaban ng mga artista sa mga fans ay ang mga... komiks writers and artists. ilan sa mga names na naalala ko right now are: mar t. santana (artist), zoila (writer), at siempre sina helen meriz at nerissa cabral (writers; whose works on komiks got translated to film. if i'm not mistaken, sa kanila yung "nagbabagang luha" at "pati ba pintig ng puso").

pero ang super-duper-mega idel ko ay walang iba kundi si vincent kua, jr. i had the chance to meet him sa ilang pagkakataon sa star cinema at abs-cbn noong matatapos na ang dekada '90 at sa pagsisimula ng ikatlong siglo. sobrang bait at unassuming. sa dinami-dami ng napatunayan niya, pero man lang hint ng hanging habagat kapag kausap mo siya. grabe.

sadly, though, according to a friend, he passed away na around 2 or 3 years ago, i'm not sure. hindi ko pa nako-confirm.

he was both a writer and an illustrator. i know of some people na sinusundan din yung works niya sa komiks. and remember him, and his works, until now. and he experimented sa konsepto ng sinusulat niya at illustrations.

teka, bakit nga ba ako naparatrat ng ganito? eh kasi sobra akong na-excite dahil dito sa entry mo sa blog about this lucifer-gabriel twist. KASI SI VINCENT KUA JR ANG NAGSULAT AT NAG-ILLUSTRATE NUN! (bakit kailangang sumigaw?)

you can ask *** and *** (fans din sila ni vincent) kung ano nga talaga yung title nung series na yun. and wala lang, but might i add, isa sa high points ng buhay ko nung makapagpa-picture ako with him. :)))))

bakit ba ang hilig mong magpatawa?

komo ba kalbo ka, feeling mo nakakatawa ka na?

tamanatamanaTAMANA!

Saturday, November 10, 2007

up cmc: 100 for 100 grand bingo... sosyal!

ey boys and gels,

the up college of mass communication is holding a fund raising activity for the... ahem... infrastructure development fun and the faculty and staff development fund, entitled:

100 for 100 grand bingo social
(title pa lang ibang level na, 'di ba? so... unique)
it will be on november 24 / saturday
2 - 5pm
at the up cmc parking lot

p100 / ticket which is equivalent to not just one... not just two... but ten (10) games! a total of p100,000 worth of cash prizes and exciting raffle prizes will be given away to lucky winners. (take note: "exciting")

email me through my personal addy or my up account for your tickets. i can meet you anywhere in u.p. (diliman ha?!), philcoa, and abs-cbn (quezon city).go na para makatulong sa faculty at staff ng u1p cmc. at para makatulong na rin sa akin sa pagdidispatsa ng mga tickets na naka-assign sa akin :D