Rules: Once you've been tagged, you are supposed to write a note with 25 random things, facts, habits, or goals about you. At the end, choose 25 people to be tagged. You have to tag the person who tagged you. If I tagged you, it's because I want to know more about you.1. Adik ako sa tsokolate. Kahit anong klase. 'Di ako mapili sa brand. Kahit Lala, pinapatulan ko. Kahit Meiji, okay lang. Gusto ko 'yung dark at mapait. Gusto ko rin 'yung iba't ibang klase--may strawberry, milk, caramel, almonds, alak, sisiw ng balut...
(To do this, go to “Notes” under tabs on your profile page, paste these instructions in the body of the note, type your 25 random things, tag 25 people (in the right hand corner of the app) then click publish.)
2. Mahilig din ako sa caramel. 'Yung caramel sundae ng Jollibee at McDo, gustung-gusto ko 'yun. Actually mahilig lang talaga ako sa matamis. Anything na matamis, nilalamon ko. Kahit purong asukal. Kaya minsan, naha-hyper ako. Pero 'pag 'di naman kasi ako tumitira ng asukal, nanlalambot ang tuhod ko, nanghihina ako, tapos nagdidilim ang paningin ko. At makikita ko na lang duguan na ang mga kamay ko.
3. Ang love story namin ng pagkain is out of sight, out of mind. Seldom ako mag-crave sa pagkain na basta na lang out of the blue eh maiisip ko. Pero 'pag may pagkain akong nakikita, 'di ko kayang pigilan kumain. As in ang grocery na good for 2 weeks, kaya kong ubusin in a few days. Kaya 'pag kainan, minsan ako rin ang official na taga-ubos. Kasi...
4. ...ayokong nagtitira ng pagkain kapag alam kong matatapon lang. Sayang. Bad daw 'yun sabi ng nanay at tatay ko. Kawawa daw 'yung rice na itatapon lang, iiyak.
5. Until now, uneasy ang feeling ko 'pag 'di ako nakapag-dinner. Nu'ng maliit kasi kami, 'pag 'di daw kami kumain ng dinner, babangon daw ang mga kaluluwa namin pagdating ng midnight para maghanap ng pagkain. And until now, napi-freak out pa rin ako sa image na tumatak sa utak ko.
6. Mahilig ako sa isaw, goto, pisbol,
7. Mabubuhay ako ng walang baboy, manok, baka, kabayo, giraffe, Philippine eagle at kung anu-ano pang endangered species, pero 'di ako mabubuhay ng walang isda--sapsap, galunggong, bangus, salmon, tuna, tambakol, matambaka, tampal-puke... Prito, sarsyado, paksiw, inihaw, pinaputok, nilasing, pinaupo, pinatayo, nilambitin, binulatlat...
8. Masarap daw ang pork/chicken adobo ko. Eh palpak na experiment lang naman 'yun sa ginagaya kong crispy adobo nung isang ate ko.
9. Ayokong kumakain ng anumang "pagkain" na kulay ube / violet / purple / periwinkle, maliban sa nilagang ube mismo at halaya / haleya [na pareho kong paborito]. Hindi ako kumbinsido na edible ang mga pagkaing kulay labi at kuko na hindi na dinadaluyan ng dugong may oxygen--ube ice cream?! eeew! gosh! omg! yuck!... at paksyet.
10. Nu'ng nag-advanced bday party ako sa ilang friends nu'ng Dec 19, I bought 2 half gallons of ice cream. Halos 'di nagalaw. Kahit nu'ng dumating 'yung mga pamangkin ko at mga kiddie-lets nila nu'ng 20, konti lang din nabawas. Pero nu'ng ako na lang ang maiwan sa bahay nu'ng 21 at mismong bday ko ng 22, ubos. Tapos ang kwento. Balikan ang #3.
11. Sa dirty ice cream, ang paborito ko 'yung cheese flavor. At ayoko nang alamin kung paano 'yun ginagawa.
12. Mahilig ako sa taho. May suki akong taho vendor sa amin sa Pulilan, na 'pag alam n'yang nandu'n ako, dinadalahan talaga n'ya ako. Kaya lang--dahil sinasadya pa n'ya 'ko--minsan 'di na masyadong malambot 'yung taho. Parang dalawang sigaw na lang n'ya ng tahow! eh magiging tokwa na. Ayun, madalas parang tofu with arnibal and sago na lang ang pinagtitiyagaan ko.
13. Nu'ng bata ako, mahilig ako sa ketchup. Pero nang mag-high school ako, until now, na-realize ko, syet, binabago ng ketchup ang lasa ang pagkain. Kaya ngayon, sa french fries na lang ako nagke-ketchup.
14. Pero mahilig akong magsawsaw sa patis. 'Di ko alam kung may kinalaman 'yung pagiging Bulakenyo ko. Pero natatandaan ko 'yung sabi ng mga matatanda sa amin dati, "kung alin ang mabantot, 'yun ang masarap." Although hindi ako sure kung 'yung patis talaga ang pinag-uusapan nila.
15. Mas gusto kong kumain sa bahay kesa sa labas. Gusto ko kasi unlimited ang rice at ulam, bottomless ang iced tea / coke, pati tubig [at siguradong hindi sa gripo galing], at hindi ko na kailangang humingi at maghintay ng patis. Tsaka kahit naka-shorts at naka-tsinelas lang, okay na. Pwede ring tumawa nang malakas, umutot at dumighay nang fatale. Pero dapat ako / kami mismo nagluto. Ayoko na rin ng take-home o pina-deliver. Gusto ko 'yung pinagpagurang bilhin ang raw materials [parang magtatahi lang ng bestida], nilinis, niluto, tinimpla. Wala lang--parang may sahog na pagmamahal... Nak naman!
16. Recently lang naman ako nagkahilig sa pagkain. Mula nang magsolo ako right after high school, until a few years ago, hindi ako kumakain hangga't walang nagyayaya. Kaya most of the time, once a day lang ako kumakain. Dinner lang. Kasi nga takot ako na bumangon ang kaluluwa ko 'pag hatinggabi na at maghanap ng fudams. Balikan ang #5.
17. Hindi ako natatakam sa magandang picture ng pagkain. Pero naglalaway ako at kumakalam ang sikmura ko sa amoy ng pagkain.
18. Ang isa sa mga paborito kong blog ng friend ay 'yung kay divs [bogchinibochog.blogspot.com]. Puro tungkol kasi sa pagkain--family events na umiikot sa pagkain, childhood memories na may kinalaman sa pagkain, imbentong recipes, etc. At lahat nakakatawa.
19. Mahilig ako sa prutas especially suha, bayabas, sinigwelas, saging, lansones at ubas.
20. Although mahilig ako sa pasta, pizza, sushi, at mahilig akong sumubok ng iba't ibang klase ng pagkain, i know na mas Pinoy pa rin ang panlasa ko. Isa yan sa mga considerations kung sakali mang pupunta ako sa ibang bansa nang matagal na panahon: 'di ako mabubuhay sa--ayon nga kay Abalos--berjer.
21. Kung kakain man sa labas, pwede akong bitbitin kahit saan. Ang ayoko lang eh 'yung ako ang pagde-decide-in tapos iba naman pala ang gusto. Ayoko rin nu'ng pabagu-bago. Kasi 'pag inisip ko na o sinabi na sa akin kung saan kakain, nag-a-adjust na 'yung buong system ko. Ini-imagine ko na kung ano ang o-order-in ko, kung ilang rice, kung ano ang iinumin... Tapos kung pabagu-bago, naguguluhan ang taste buds ko. Nababawasan ang gana ko.
22. Paborito ko ang tapsilog Rodic's. Madalas, kapag kumakain ako du'n, nakaka-dalawang order ako ng tapsilog.
23. Paborito ko ang nilagang mais. Pero gusto ko 'yung ngangatngatin ko pa lang sa cob. Ayoko nung nahiwa na at inilagay na sa plastic cup. Hindi rin ako masyadong mahilig sa Japanese, Korean, Thai, Vietnamese, Martian corns na natatagpuan sa gilid ng Ateneo. Ang gusto ko eh 'yung klase na malalaki ang butil, tapos halos white na 'yung kulay, at 'pag nilaga eh namumutuk-mutok, tsaka malagkit. I remember nu'ng maliit ako at nagka-famine sa Negros, naiinggit ako sa mga batang Negros kasi pinapakita sa tv puro mais ang kinakain nila. Eh malay ko ba?
24. I used to think na totoo 'yung tv ad ng Goya--'yung mga batang dinala sa Goya Fun Factory, and 'yung buong paligid ay gawa sa tsokolate, pati 'yung estero eh pwedeng dutdutin at dilaan dahil malapot na tsokolate ang umaagos. Until now, inaasar pa rin ako ng mga ate ko dahil tinanong ko sila nu'ng maliit ako--na sobra daw ang pag-asam sa boses at mukha ko--kung "totoo ba 'yung Goya Fun Factory?"
25. Dalawang bagay na gusto kong malasahan ulit dahil alam kong andaming ibabalik na happy memories: 'yung adobong sitaw an niluluto dati ni ermats, at 'yung aratiles.
Original post after the jump.
.