Taenang YM 'yan. Hirap mag-login. Ilang linggo na. Bad trip.
Hindi naman ako adik sa YM. Mas madalas pa ngang maligo si ***** kesa mag-online ako sa YM. [Uhm, ibig sabihin ganu'n talaga ako kadalang makinabang sa serbisyo-publikong ito ng Yahoo!]
Kaso nitong mga nakaraang linggo, bwiset, kinukupal ako. Kung kelan pa naman kailangan kong mag-report sa mga kinauukulan [sa mga utol ko], at makipa-communicate sa mga kups [mga estudyante---> joke lang] tsaka pa nag-iinarte.
I lost my cell the other week. Syempre kasama pati 'yung SIM [alangan namang balikan pa 'ko nu'ng mandurukot para lang iabot 'yung SIM: =affecting Camille Pratts's Ang TV-accent= "Esmyuski! Eto nga ho pala 'tong SIM n'yo. Baka 'di n'yo pa naba-backup 'yung contacts n'yo."Surreal naman 'pag ganu'n].
Anyway, right now, I'm trying my best to re-build 'yung mga nawalang relationship, friendship at phone book. If we haven't been in touch in the last couple of weeks, or kung nagte-text kayo at 'di ako nagre-reply, it only means na 'di ko na wala na akong means para kontakin kayo.
So, [at dito na sasabihin ng bida 'yung title ng pelikula] alam mo ba ang cellphone # ko? Paki-text na lang ako sa dati ko pa ring number para ma-include ko aking new & improved, industrial strength phonebook.
Syempre, don't forget to include your name, signature at 3 tansan ng kahit anong Silver Swan products para maging lucky home partner.
Habang ngarag-ngaragan sa pagtipa sa keyboard dahil naghahabol ng deadline, may music sa background. Naka-shuffle mode ang media player kaya nakakagulantang ang mga tumutugtog--from Regina Spekpektor to Avenue Q to E-Heads to High School Musical to Andrea Bocelli... Tapos umeepal din 'yung Pussycat Dolls minsan-minsan Basta.
Tapos habang nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni kung bakit kailangang 2 or more na trabaho ang kailangang karirin ko at ng marami sa mga kaibigan ko para lang mabuhay, biglang umatak sa playlist 'yung Untold Stories. Hala! Ito pala ang soundtrack ng buhay ng mga Pinoy. Hindi ko kinaya.
At na-distract na 'ko. Parang masarap gawan ng MTV. Montage ng pictures ni Gloria, ni Mike Arroyo, nu'ng mga alipores nila, ni Erap, ni Marcos, ni Imelda [grabe, aabutan ako ng Pasko kung ie-enumerate ko lahat. Basta tingnan na lang ang pattern]. Tapos segue sa mga batang kalye, mga matatanda sa kalye, basta lahat ng nasa kalye. Tsaka 'yung mga pila sa NFA rice. Then kailangan 'yung mga batang nagdidilim ang magandang-bukas dahil kung saan-saang trabaho nagbabagsakan. Tapos isali na rin natin 'yung mga contractual employees mula pier, hanggang department stores at fastfood chains, media networks, etc.